read.cash Log in
@mooontivated more from that month

Bakal

Di ko kailangang manuyo dahil kusa kang lalapit tuksong mapangakit sa bawat sulok at gilid, itanggi mo man akong pilit o pagtulakan ng ilang ulit ay ilang ulit ka ring mahuhumaling at muling manunumbalik manlalamig at manginging ang iyong kalamnan na para bagang giyang na giyang, tigang na tigang, hibang na hibang, libang na libang may una kang minahal ako parin una mong Iibigin itulak mo man ako palayo ay patuloy pa rin kitang kakabigin.. Likas na HAYOP ang mga taong nilalang wag mong bansagan na makasalan kung hindi mo pa natitikman!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.