Buwan
Hindi sa ilalim ng puting ilaw, ngunit sa Dilaw na Buwan naririnig ko pa ang tinig mo malaya kitang nahahagkan doo'y isinayaw kita habang hawak ko ang malambot mong kamay ating mga mata ay nagtama mga balikat nagpantay .. Ibinulong mo ang iyong saloobin at lahat ng nadarama ganon din ang aking damdamin at di matagong pagsinta puno ng pagmamahal at yun ay labis kong batid wala na atang makakapantay sa Pag-ibig mong hatid At diko namamalayan ang takbo ng orasan kung sana'y maibabalik ko lang pero wala ng paraan imahinasyon ko lang pala, lahat ng bagay na ito inakalang kasiyahan ngunit hindi ka totoo Sa Ilalim ng Buwan dito'y palagi kang buhay malaya kitang kasama, nahahawakan ang kamay Ilusyon mang maituturing ito'y aking matatanggap sabihin mang baliw kasiyahan kong mag panggap Muli ka na namang dumalaw sa aking kaisipan wag kang mag-alala ikaw ay di matutumbasan sayo'y palaging babalik daan ma'y nakakaligaw hayaan mong ibigin kita kahit patanaw.... Peace out! 💪✌
No comments yet