Frontliner
To all FRONTLINERS (Alagad ng Medisina) Dulot niyo'y PAG-ASA nung kami ay tumatangis mapag-kalinga niyong kamay pagaalaga niyo na labis buhay man ay malagay sa tiyak na kapahamakan Ito ka't nagbabantay at nakikipag sapalaran hindi kayang bayaran ng salapi buhay mong nailigtas pagod at pagsasakripisyo na walang katumbas kahit na maaaring, buhay niyo ang kapalit posibilidad na sa inyo biglang dadapo ang sakit mga nagbuwis ng buhay para lang magampanan ang sinumpaang tungkulin hudyat man ay kawalan ng bahay na masisilungan sa takot, Itinaboy! Sukli ay pangdidiskrimina nilulubog sa kumunoy Ganyan ba? kung tayo'y tumanaw ng utang na loob Imbis loob palakasin sila'y ating nilulubog Bayaning naturingan di nagbigyang halaga pano na lamang tayo? kung sila ay mawala Kaya kapatid respeto! Sayo nakasalalay Kaysa punain tayo ang syang umalalay ito ang magsisilbing boses na di masabi ng marami para sa alagad ng medisina bigyang pugay ang BAYANI! - Alfred Solomon
No comments yet