Buwan

0 6
Avatar for mooontivated
3 years ago

Hindi sa ilalim ng puting ilaw, ngunit sa Dilaw na Buwan
naririnig ko pa ang tinig mo malaya kitang nahahagkan
doo'y isinayaw kita habang hawak ko ang malambot mong kamay
ating mga mata ay nagtama mga balikat nagpantay ..

Ibinulong mo ang iyong saloobin at lahat ng nadarama
ganon din ang aking damdamin at di matagong pagsinta
puno ng pagmamahal at yun ay labis kong batid
wala na atang makakapantay sa Pag-ibig mong hatid

At diko namamalayan ang takbo ng orasan
kung sana'y maibabalik ko lang pero wala ng paraan
imahinasyon ko lang pala, lahat ng bagay na ito
inakalang kasiyahan ngunit hindi ka totoo

Sa Ilalim ng Buwan dito'y palagi kang buhay
malaya kitang kasama, nahahawakan ang kamay
Ilusyon mang maituturing ito'y aking matatanggap
sabihin mang baliw kasiyahan kong mag panggap

Muli ka na namang dumalaw sa aking kaisipan
wag kang mag-alala ikaw ay di matutumbasan
sayo'y palaging babalik daan ma'y nakakaligaw
hayaan mong ibigin kita kahit patanaw....

Peace out! 💪✌

4
$ 0.00

Comments