Mga dapat tungkol sa hernia o luslos

1 51
Avatar for moneymakinghub
4 years ago

Ang luslos o hernia ay isang kondisyon kung saan ang malambot na tisyu o masel na naglalaman o bumabalot sa mga laman-loob ng katawan (abdomen) at ang ibabang  bahagi ng katawan (inguinal area), ay napunit o nabutas. Ang pagkapunit ng malambot na tisyu o masel ay sanhi ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay o labis na pag-iri (kung nanganganak).

Zero width embed

Ang isang tao ay maaaring may luslos ngunit hindi niya ito nararamdaman hanggang sa magkaroon ng isang pwersa na maging sanhi ng kaniyang luslos  gaya ng pag-ubo, pag-iri, pagbubuhat ng mabigat, paglaki ng tiyan, at iba pa. Maaaring lumuslos ang bahagi ng bituka papunta sa bayag o sa may bandang singit at magsanhi ng pagbukol sa ilalim ng balat.

Sa simula ang bukol ay nawawala kapag ang tao ay nakahiga. Habang tumatagal, maaaring hindi na ito mawawala ng kusa at kailangang alalayan ng kamay para umimpis. Maraming luslos ang walang pinepresentang  problema, maliban sa pagkakaroon ng bukol na hindi sumasakit. Ngunit ang ibang luslos ay maaaring magdala ng hindi magandang pakiramdam, o pagkirot na mas pinapalala kapag nakatayo o nagbubuhat ng mabibigat na bagay. Maaari ring makaramdam ng biglaang sintomas sa tiyan tulad ng pananakit, nasusukang pakiramdam, at pagsusuka. Sa ganitong pagkakataon, ang luslos ay matigas at masakit hawakan at hindi na kayang ibalik pa sa tiyan.

Zero width embed

Nagiging delikado ang luslos kapag ang nakalusot na bituka ay umiimpis at nasakal (mawalan ng pinagkukunan ng dugo). Kapag nangyari ito, nagiging masakit ang bukol lalo na kapag hinahawakan. Kapag nabulok ang bahagi ng bituka na nasakal, maaaring tumagas ang mga laman nito sa loob ng tiyan at maging sanhi ng impeksiyon. At maaari ring pagkamatay ng parteng iyon ng katawan. Ang isang nasakal o strangulated hernia ay maaaring magresulta sa intestinal obstruction o pagkakaroon ng bara sa bituka na nagdudulot para ang tiyan ay lumaki. Ang ganitong pangyayari ay maaari ring magdala ng pagkabutas ng mga bituka, pagbaba o pagkawala ng blood pressure o kaya ay pagkamatay.  Kapag nangyari ito, kailangan maoperahan kaagad ang taong may luslos.

2
$ 0.00
Avatar for moneymakinghub
4 years ago

Comments

Nice article, Thanks for the info ,💪🤩🤩

$ 0.00
4 years ago