Heatwave sa panahon ng Covid19, narito ang ilang practical tips

0 18
Avatar for moneymakinghub
4 years ago

Kasalukuyang nakakadanas ng matinding init ng panahon sa Italya. Inaasahan ang heatwave ng ilan araw sa bansa, ayon sa mga weather forecast.

Kasabay ng patuloy na banta ng covid19 na nag-oobilga sa bawat isa sa tatlong pangunahing regulasyon sa panahon ng pandemic: 

  1. ang paggamit ng mask o masherina sa mga saradong lugar o indoors (at pagdadala ng extra mask palagi);

  2. ang social distancing o distansya ng 1 metro;

  3. madalas na paghuhugas ng kamay o ang madalas na paggamit ng hand sanitizer.

Narito ang ilang paalala para manatiling maginhawa pa rin ang pakiramdam ngayong summer. 

Zero width embed
  1. Iwasan magbilad sa araw, lalo na sa pagitan ng alas-11 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon tulad ng ipinapaalala ng Ministero della Salute.

  2. Magsuot ng puti o mga light colored na damit. Mas mainam na cotton ang damit dahil mas presko. Labhan ito matapos ang isang suot lamang. Bukod sa iwas body odor, isa ito sa ipinapayo sa panahon ng pandemiya.

  3. Ugaliin ang maligo araw-araw. Bukod sa ito ay nakaka-presko ng katawan, ang paliligo pagkagaling sa labas ng bahay at matapos sumakay ng public transportation ay makakatulong panatiling malinis ang katawan at iwas virus na din.

  4. Ugaliing gumamit ng sumbrero o payong na makakatulong bilang proteksyon sa tindi ng sikat ng araw.

  5. Bigyang proteksyon din ang mga mata, magsuot ng shades.

  6. Magbaon palagi ng tubig. Mas mainam kung may yelo. Mainam na may pamatid uhaw sa gitna ng matinding sikat ng araw.

  7. Uminom ng walo hanggang 12 baso ng tubig kada araw. Mabuting hydrated para presko na iwas pa sa sakit.

  8. Kung maaari ay umiwas sa pag-inom ng kape, soft drinks o alak dahil ito ay isa sa mga dahilan ng dehydration.

  9. Kumain ng magaan na pagkain lamang at dagdagan ang pagkain ng pakwan (o melon) o kung mayroon ay buko juice. Parehong alkaline water ang tubig ng buko at pakwan kaya mabuti ito sa katawan.

  10. Relax lang sa trabaho. Sa oras ng break, siguraduhin na may maiinom na malamig na tubig o kaya ay natural fruit juices.

  11. I-limit ang ehersisyo. Hinay-hinay lang din kasi mahina ang katawan ng tao kapag mainit.

  12. Samantala, tiyakin na laging malinis ang electric fan at siguraduhing naaayon sa bata ang paggamit ng air con sa panahon ng covid19.

Please visit, like , comment and subscribe!

3
$ 0.00
Avatar for moneymakinghub
4 years ago

Comments