Pinaglaruan (Kwento ng tropa ko)

4 32

Nasa school kame non at sinamahan ko ang kaibigan ko na si Mario mag CR.

Paglabas niya sa cr ay nakita kosya na nakangite at natatawa.

Ang sabi niya sakin "t**** na mo tol nakalabas kanapala hindi ka man lang nagsabi"

Nagtaka ako? bakit niya sinabi iyon? eh hindi naman ako pumasok sa loob.

Kaya sabi ko sa kaniya "t*** na mo rin, hindi ako pumasok sa loob, nandito lang ako sa labas"

Nung narinig niya ang sinabi ko ay ayaw niya maniwala, umabot na sa nagtatalo na kame dahil nga pinipilit niya na pumasok daw ako kahit hindi ko naman ginawa, hanggang sa naniwala narin siya sa akin.

Biglang nagbago ang imahe ng mukha niya, kung kanina ay nakangite siya na nakakaloko.

Ngayon ay parang batang papaluin ng magulang.

Tinanong ko siya kung bakit, ano bang meron?

"Kase tol nakita sa loob, seryoso" ang sabi niya sa akin.

Eto ang kuwento niya,

Nasa pangalawang kobeta raw siya, magbubukas palang daw siya nang zipper niya ay may narinig daw siyang naglalakad kaya napatingin sya. Paglingon daw niya sa likod niya ay nakita raw niya ako na dumeretso sa pangatlong kobeta,(may apat na room/kobeta sa cr). Habang nasa kalagitnaan daw siya nang pag-ihi ay narinig pangaraw niya ako na tumatawa. Naiinis pangaraw siya sa akin kase kapag tinatawag daw niya ako ay hindi raw ako sumasagot ang tanging naririnig lang daw niya ay puro tawa.

Nung natapos naraw siya umihi ay sinilip pa raw niya ako at nandon paraw ako nakatayo(straight body) dahil nga sa nakita paraw niya ako na hindi pa tapos, hinintay pa raw niya ako. Sumilip lang daw siya saglit sa bintana para tignan yung mga nagbabasketball, (sa bintana kase ng CR ay makikita mo roon ang mga nagbabasketball) tinatanong pa raw niya ako kung tapos naba ako? at pagsilip daw niya ay wala naraw ako kaya lumabas na siya.

Tinanong din ako ni Mario kung may nakita raw ba ako na ibang tao na pumasok at lumabas? ang sagot ko sa kaniya ay "wala"

Kinabukasan

(eto naman ay karanasan ko sa CR)

Pang-umaga kame non nagpa alam ako non sa teacher ko na mag CR lang ako.

Nong naroon na ako, hindi kalayuan sa cr ay napatigil ako kase sobrang dilim sa cr(naka open yung pinto kaya kita ko ang bandang part sa pintuan ng cr), tapos naalala ko bigla yung kuwento ni Mario.

Nagdadalawang isip na ako non kung mag CCR paba ako or titiisin ko nalang, kaso ihing-ihi na talaga ako kaya tumuloy parin ako.

Ginawa ko ay kumakanta ako habang naglalakad papunta sa CR. Habang papalapit ako ay mas lalo akong natatakot parang aatakahin ako sa puso kase feeling ko merong manggugulat sa akin or makikita koyong nakita ni Mario.

Nung nandun na ako sa pintuan ay ipinasok ko ang kamay ko para kapain yung switch ng ilaw pero yung katawan ko ay nasa labas.(yung switch kase ng ilaw ay nasa loob malapit sa pintuan)

Nang nabuksan kona ang ilaw, ay dumeretso na ako don sa unang kobeta.

Nagpatuloy lang ako sa pag kanta. Habang umiihi na ako, nakaramdam ako na para bang may nakatingin sa akin, ayukong ialis yung paningin ko don sa ihi ko, ayukong tumingin sa taas, sa baba, sa gilid or kahit saan, kase feeling ko kapag nag-iba ako nang tingin pakiramdam ko makikita ko siya. Hanggang sa naramdaman ko na parang lumalaki ang ulo ko kaya nilaksan ko yung boses sa pagkanta(kaya koyon ginawa dahil sabi ni Nanay kailangan hindi mo ipakita na natatakot ka kase mas lalakas daw sila kapag takot ka) kaya patuloy lang ako sa pagkanta ng Ulan by Cueshe at pinapakita ko na hindi ako takot kahit sa loob ko talagang gusto ko nang tumakbo palabas.

Tapos biglang napundi yung ilaw at nakaramdam ako ng lamig at may naaamoy ako na burak. Hindi ko alam kung saan galing yun pero amoy burak (Hindi yun sa akin wag kang ano)

Gustong-gusto ko na talaga matapos non dahil iba na talaga nararamdaman ko, pakiramdam ko parang may hihila sa akin bigla sa likod.

Nang natapos na ako ay mabilis na akong naglakad palabas, wala nang lingon-lingon, nung nakalabas na ako sa CR amoy koparin yung burak at sumaglit ako ng tingin sa CR at (f*k) may nakita akong sumilip o dumungaw sa cr, kulay itim siya. Kinilibutan ako non at kumaripas na ako nang takbo.

Salamat sa pag babasa.

8
$ 0.00
Sponsors of mikaella27
empty
empty
empty

Comments

wow kababalaghan well titindig talaga balahibo mo pag ikaw na mismo ang makakaranas nun hahaha,,,, wellcome back maam natigil ka sa pagsulat ah,,

$ 0.00
3 years ago

Hello sir good morning po. Basahin mo po short post ko. Yun ang dahilan bakit ako natigil mag sulat.

$ 0.00
3 years ago

ay ayoko ng mga ganyang eksena ahahaha.. nakakaloka! matatakutin ako eh ahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha katakotttttt. Pag ako ginanyan bubulyawan ko talaga kahit di ko pa makita. Pero yun sinasabi ng lolo at lola ko, pag ikaw lang mag isa, magpasintabi. Kahit parang lelong, pag may nararamdaman ako, kinakausap ko na iihi lang or dadaan or may kukunin lang ako. Pag iba na tlaga, i recite The Lord's Prayer at Apostle's Creed. Tapos, nirerevoke ko In Jesus' Name.

$ 0.00
3 years ago