Minsan hindi maiiwasan na may mga problemang dumarating sa ating buhay. Pero lagi mong tatandaan hindi ka bibigyan ni God ng isang pagsubok kung hindi mo ito kayang lampasan. Hindi ibig sabihin na hindi ka mahal ni God kaya ka binibigyan ng problema. Nangangahulugan lang yan na pinatatatag ka nya. Dahil sa mga problemang iyan kaya tayo nagiging matibay at lalong tumatatag sa buhay. Lahat ng pagsubok sa buhay ay nag-iiwan sa atin ng magandang aral. Gawin nating hagdan patungo sa tagumpay ang mga aral na ating natutunan.... Kapag napagtagumpayan mo na ang lahat matatawa ka na lang kapag inaalala mo ang nakaraan at sasabihin mo sa sarili mo, "Maraming salamat kase lahat ng iyan nakaya kong pagtagumpayan". Kaya ikaw na nagbabasa nito kung may problema ka man sa ngayon huwag kang panghinaan ng loob, kaya mo yan at sigurado malalampasan mo yan. Manalig ka lang sa panginoon at hindi ka nya pababayaan. Magandang hapon mga kaingay!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet