Kakatapos ko lang ayusin ang aking metamask wallet. Pinahirapan nya ako ng todo ng bigla na lang mawala Smart Chain nya. Actually nandoon naman siya sa wallet app pero hindi mag function. Nagtry ako magopen ng game ko sa laptop same issue pa din. Niremove ko ang Smart Chain tapos ni add network ko ulit pero ayaw pa din. Todo iyak na lola nyo, paano ba naman lahat ng games ko sa wallet na yun nakaconnect. Ang laki na ng ni invest ko sa mga games ko. Para akong nabalian ng isang kamay kung di ko maaayos yun. No choice na ako kung hindi iuninstall ang wallet, mahirap kase ang dami Contract Address na need ko ibalik pero sige lang basta maayos lang . Luckily naayos naman. Grabe ang pinagdaanan ko, walang kain, walang ligo kase inabot na ng gabi...hehe Lahat ng games ko wala pa akong daily quests na nagagawa, ang sakit sakit ng ulo ko. Nastress ako ng sobra sa metamask wallet ko......haissst kapag sminamalas ka nga naman. Thank you sa aking BP @Ahrciel na hindi ako iniwanan, tinulungan nya akong maghanap ng backup RPC URL . Kahit na halata na nya na yamot at stress na ako hindi pa din nya ako iniwan... Thanks foralways being there... Ang sakit ng ulo ko, pero dami ko pang gagawin... Good evening guys! Na share ko lang po ang mga hindi inaasahang pangyayari. Sana wag ng maulit, masyadong masakit sa bangs....
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet