Love is blind.... Sabi nila ang pag-ibig daw ay bulag, pero bakit nga ba? Dahil mahal mo ang isang tao, nagiging bulag, bingi at tanga ka pagdating sa pag-ibig. Dahil mas nangingibabaw ang puso mo kaysa isip. Kahit alam mong mali, kahit kitang kita mo na niluluko ka niya mahal mo pa din. Kapag mahal mo lahat ng mali niya at mga pagkukulang matatanggap mo. Sabi nga di ba ng isang famous line na TANGA NA KUNG TANGA PERO MAHAL KITA! Madaling sabihin na iwan mo na yan kase ganito ganyan.. Pero ikaw kaya ang nasa posisyon niya kaya mo kaya? Madaling sabihin mahirap gawin. Hayaan lang natin na magpakatanga tayo sa pag-ibig dahil sigurado ako one day marerealize din natin na naging tanga din pala tayo. Magigising ka na lang isang umaga at sasabihin mo sa sarili mo na ayaw mo na. Kapag nangyari yun congrats sayo nakalaya ka na sa pagiging tanga. Minsan masarap din maging tanga, kase alam mo na nagmamahal ka. At ang magmahal ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat. Magandang gabi po!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet