Maraming nawala ngayon pandemic 2020-2021 Bukod sa maraming mga Mahal natin sa buhay ang nawala nung dumating ang pandemic na syang makikita mo din sa mga post Ng friends mo na kundi kandila at itim na profile pic, may mga bagay o taong nawala din sa atin dahil hnd sa kamatayan kundi sa ibang kadahilanan. Ang Ilan nawalan Ng hanapbuhay, may mayayaman din na nawalan Ng negosyo. Ang Ilan ay nagkalayo layo hanggang sa tuluyan Ng nasira Ang pamilya. Sa buong panahon Ng pandemic, sobrang daming bagay at taong nawala sa akin, na dati masaya kami pero sa Isang iglap nawala ang saya na Yun. May mga mabibigat na dagok at pagsubok na dumating sa pamilya namin, na kahit hanggang ngayon pag iniisip ko ito ay kusa na Lang tumutulo ang luha ko. Pero lahat Ng yan ay inilapit ko sa Panginoon. Sa ngayon madami man nawala sa akin may mga pumapalit din naman. Mahalaga kasama ko pa din ang ibang Mahal ko sa buhay. Hindi ko alam kung maayos pa o Hindi na o tuluyan na mawawala sa buhay ko Ang ibang Mahal ko sa buhay. Nakakalungkot lang kasi isipin na Hindi na nila inisip ang mga pinagsamahan namin noon.. sabagay sadyang ganun at marapat na tanggapin siguro nga sila Yung mga taong darating sa buhay mo pero Hindi din magtatagal. Anyway lahat naman Ng bagay sa Mundo ay mapaparam. Walang permanent at forever Dito sa mundong ibabaw. Kaya kailangan natin maging matatag sa daan Ng paglalakbay. Ang larawan Ng mga bulaklak na ito ay Isa din sa mga nawala sa akin. Dati ko sila naging katuwang. Romar1015
No comments yet