read.cash Log in
@marbelleyanie

Plant Seller memories Noong nag umpisa ang pandemic, pareho kami nawalan Ng work Ng asawa ko. Nung una Hindi namin alam San kami kukuha Ng pangkain namin, umasa kami sa ayuda kahit madilaw at buhaghag na bigas ay tinatyaga namin, Yung mga de lata Araw araw namin ulam. Nangutang kung Kani kanino,pumapatol sa malaking tubo kahit Hindi alam San kukuha Ng pambayad para lang may maipakain sa pamilya. Hanggang dumating ang opportunity na ito, may plant shop na nag offer sa Amin na magbenta kahit Ang bayad ay pagtapos na namin mabenta. Dun kami nag umpisa paunti unti ay nakaipon, hanggang sa natuto na din ako mag angkat Ng halaman sa iba't ibang lugar at kami mismo ang nagdedeliver ng iba,kung saan saan na kami nakakarating na nakamotor lang at tumulong din kami sa kamag anak namin. Ngunit syempre Hindi palaging malakas, nung nag umpisa na magbalik sa work ang mga tao ay unti unti na din tumumal ang benta hanggang pati puhunan namin ay nagagalaw na namin. Kaya nagdecide kami maghanap Ng work at pinalad naman ngayon at nakaraan nga lang ay na probi ang asawa ko. Pero gusto ko pa din talaga mag business, ipon ipon muna ulit. Kaya laking tulong din ni noise kahit pano ay may pandagdag income kami. Salamat din sa mga friends ko Dito. Walang sawang sumusuporta. Have a wonderful weekend to all of us.. Romar1015

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.