Panahon na Wala pa si Covid Halos dalawang taon na pla ang pandemic noong nagkaroon Ng virus na tinatawag na COVID-19, tanong Ng karamihan kailan ito matatapos, kailan babalik sa normal ang lahat. Ngunit Wala ni Isa sa atin ang nakakaalam. Kung ating babalikan ang nakaraan, ano nga bang buhay mayroon Tayo noon bago nagkaroon Ng covid at anong nabago sa atin nito. Kung noon malayang makakalabas ang lahat, walang suot na facemask o faceshield. Ang mga bata makakalabas din at nakakapasok sa paaralan. Ang matatanda nakakapag exercise sa labas. Kung saan saang lugar nakakapunta, at tuwing may okasyon sama sama ang magkakamag anak at kakilala, salu salong kumakain at nagsasaya. Nakakapasyal sa mga malls at ang mga bata ay nakakapunta sa mga palaruan. Ngunit lahat Ng yan ay nagbago, at halos lahat ay tila nakulong sa iisang lugar, nahigpitan ang kalayaan maglakbay at pumunta kung saan saang, ang mga bata at mga senior citizen ay nakulong na lamang sa apat na sulok Ng bahay at sa gadget nalang umaasa para makapagpatuloy ang estudyante sa pag aaral. Sa Dami Ng nabago ni Covid ang Isa sa nakikita ko na magandang epekto ay napalapit ang tao sa Panginoon. Natuto ang karamihan manalangin at humingi Ng tulong sa kaniya. Sana mas maging matibay pa ang ating pananampalataya sa Diyos at muling manumbalik sa normal ang lahat. Romar1015
1 comment
I agree sis, sobrang laki ng effect ni covid sa atin. And what’s worse, no one was prepared for it. No one would have ever expected na biglang may ganito karampant na pandemic na mangyayari sa mundo back in 2019. Nasurprise na lang tayong lahat nung 2020. Parang tumigil nag mundo. But despite those unfortunate events, the pandemic also taught us lots of lessons. It taught us the value of our friends, our family, and most of all, our faith in God.