read.cash Log in
@marbelleyanie more from that month

Wrong delivery Sapagkat ako ay puyat, gutom at Pagod pa. Hindi ko na kinaya pang magluto kaya ako ay umorder kay panda, subalit sa Hindi inaasahang pangyayari Mali ang naibigay ni rider, Hindi ko din nacheck agad. Mas malaki ang halaga nito kumpara sa inorder ko na 100plus lamang. Nagulat ako pagbukas ko ay Iba ang laman. Itinawag ko agad sa branch subalit Hindi din daw Nila makontak ang rider at si panda. Nakita din Nila na Ang may Ari Ng nabigay sa akin ay nagcancel order at nag order ulit Ng panibago, ibig sabihin macharge na Yun Kay rider. Akin hinintay si rider kaht kumakalam na Ang aking sikmura. Isang oras na paghihintay walang dumarating kaya ako ay muling tumawag sa branch. Ang Sabi nila kainin ko nalang daw. At dahil gutom na ko kinain ko na nga, ngunit wlang kanin at maanghang pa. Kahit mas Mahal Hindi ko maappreciate kasi ang inieexpect ko ay Hindi ito. At naisip ko kawawa din si rider. Wala din kasi syang contact no.sa history at Hindi din sya tumawag sa akin bago nagdeliver kasi inabangan ko sya sa labas. Lesson learned: Icheck muna mabuti ang order na pakatanggap kung para sayo ba talaga iyon(Hindi ko nagawa kasi nga puyat ako at lutang pa). At sa mga rider icheck nyo din muna maige bago nyo ibigay sa customer kasi in the end imbes na kumita ka machacharge ka pa. Kaht naawa ako Wala nman ako magawa. #Romar1015😍

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.