read.cash Log in
@marbelleyanie more from that month

Paalam Lolo Elong Nakakalungkot Isa na naman kamag anak at Mahal ko sa buhay ang namaalam. Lumisan na sa mundong ibabaw at natapos na Ang kanilang takbuhin. Siya si Lolo Elong pinsan Ng Lola ko. Mabait sya at mapagmahal. Huling Bisita ko na Pala sa kanya noon, Hindi na Sya nakakakilala at Hindi na din nakakalakad Ng maayos. Ito na Ang panahon Ng kanyang paglisan subalit ang mga alala at pangaral ay kaniyang iniwan. Kung isipin natin ang buhay ay parang pagkain pagkain, may limitasyon o may expiration. Subalit di tulad sa pagkain na may expiration date ,Tayo ay Hindi natin alam kelan darating ang ating kamatayan. Kaya wag masyadong pakamahalin ang mga bagay sa Mundo na mapaparam at Hindi madadala sa hukay. Kasi kahit anong yaman mong taglay ay sa alabok ka pa din mauuwe. Pakamahalin mo Ng husto ang yong pamilya at mga Mahal sa buhay dahil Hindi natin alam kelan Tayo lilisan. At higit sa lahat alamin natin ang tamang landas Ng ating buhay upang buhay na walang hanggan ay ating makamit sa Bayang Banal. "Paalam na Lolo Elong, natapos mo na Ang iyong takbuhin. You may rest in peace Lolo." Romar1015

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.