Ang aking mga ninuno Kagabi ay nagtatanungan ang mga kamag anak ko tungkol sa pangalan Ng Lolo at Lola Ng tatay at nanay Ng tatay ko. Hanggang sa nakita nila ang notebook kung saan nakasulat ang pangalan nila. At naalala ko Ang sinabi Ng aking tiyahin na namayapa na kamag anak namin sila Dr. Jose Rizal. Dati ay may ipinakita siya sa akin na family tree na kung saan makikita kung pano namin naging kamag anak si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Sa aking pagkakatanda ay kapatid Ng tatay ni Rizal o ni Francisco Alejandro Mercado ang aming ninuno na taga Biñan Laguna. At ito nga ang pangalan Ng tatay Ng aking Lola ay Fabian Mercado Almalvez na ipinanganak din sa Biñan Laguna. Nakakatuwa lang Makita Yung mga pangalan Ng aking ninuno na kahit sa pangalan man lang ay nakikilala ko sila kahit Hindi ko na sila naabutan. Romar1015 Photo ctto
2 comments
Ang galing sis, nattrace talaga how you’re related to our National hero! Buti po at nakita din yung notebook kung saan nakasulat. Nakakatuwa rin talagang pag-aralan at alamin nag family tree ng pamilya natin. :) You never know what you’ll find.
Kaya nga po sobrang saya ko na makilala sila kahit sa pangalan lanv