read.cash Log in
@malakasbchOnNoiseApp

At kung ang lahat ay sabik matawag na mahusay, makilala ka sana bilang patunay na magaan itong buhay. Ikaw na hindi nanlalamang sa kapwa, nagpupunla ng magagandang salita, may hinahon at malalim umunawa. Hindi ka sana dumagdag sa mga nagpabulag sa galing na nagmamagaling, o sa talinong hindi makatao. Hindi ka sana magbingi-bingihan sa iyak ng mga nangangailangan, at sa hiyaw ng mga naliligaw. Huwag mo sanang isara ang ‘yong puso, kapag umapaw na ang dunong mo’t talento. Sa dami ng tao na may gustong patunayan, isa ka sana sa dahilan kung bakit may naniniwala pa rin sa kabutihan. Mapagpalang Umaga ng martes Ingat tayong lahat.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.