Tingin ko, lahat naman tayo hindi pa alam ang sagot. Kahit ‘yung pinakapagod o ‘yung pinakabagot, wala pang katiyakang napupulot. Marami pa ring naliligaw, marami sa atin, pabalik-balik sa ruta, paikot-ikot, pahinto-hinto. Kaya tingin ko, ayos lang kung malabo pa talaga ang tingin ko sa daan. Ayos lang kung wala pang sigurado—sa kung saan ako liliko, saan ako tutungo, ano ba ang inilaan sa’kin ng mundo. Ayos lang—dahil lahat naman dumaan dito. At tingin ko, lahat pinagdaraanan pa rin ito. Dahil marahil, ang sagot lang naman na nakaabang sa dulo— pagiging kuntento. Magandang umaga araw ng linggo ❤️
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet