Habang tumatagal mas gusto mo na ang pakiramdam na hindi napapansin. Maliit na bagay na lang para sa'yo ang atensyon na maibibigay ng mundo at ng tao. Hindi ka na sabik sa mga tingin Pili at limitado na lamang ang mga taong sa buhay mo ay nais mong papasukin. May mga sandaling hindi ka na lang umiimik. Ngunit hindi ito nangangahulugan ng iyong pagiging tahimik. Sadyang may mga alimpuyo't bagyo lang na nagaganap sa'yong isip Ayaw mo lang na dumagdag pa sa ingay na iyong naririnig. Bigla ka na lang nawawala, Mula sa dating nakasanayan at nakahiligan. Pabago-bago ang buhos ng emosyon Kanina'y maayos at paglipas ng ilang oras may kung ano nang rebulosyon. Madalas may mga pakiramdam na hindi mo rin maiintindihan, Katulad ng mga tanong sa sarili na ang sagot ay hindi matagpuan. Mga espasyong hindi mapunan Ito na siguro ang kahulugan ng tahimik na laban.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
wooaaaahhhh noice kaayo , grabe mukhang lalim ng pinaghugotan mo nyan boss
mukhng may pinagdaaanan ka kapatid pero ano man yan wag mo hahayaan namagai ka bagkus harapin mo na may katatagan kahit na lam ko na malalgpasan mo yan, dahil ag pagtahimik ay hindi nangangahulgan na pagsuko kundi nag iisip ka ng paraan para masolusyunan