read.cash Log in
@malakasbchOnNoiseApp

Pakatatag ka Talaga nga namang magulo ang ikot ng mundo. Hindi natin alam kung kelan ito papabor sa'yo. Minsa'y hindi ka handa sa mga ibabato nito. Hindi inaasahan ang mga darating na hahamon sa kakayanan mo. Mag bibigay ng mga suliranin na gugulo sa isipan mo. Aabot sa punto na hihingi ka ng saklolo. Mapapagod at hihingalin ka sa pag takbo. Matutumba at madadapa ng mga harang sa nilalakadan mo. Ganun talaga, maging matatag ka. Hindi sa lahat ng pag kakataon ay a-ayon sa atin ang panahon. Kailangan lang natin maging handa sa Ibibigay nitong hamon. Patibayin ang sarili pagkat su-sulong sa ulan at ambon. Dahil sa dulo'y lilipas din ang bagyo at ang araw ay muling babangon.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.