read.cash Log in
@luvtess more from that month

Bata Noon.

Noong nag aaral palang ako sa Elementarya wala akong baon sa paaralan pero ngayon halos lahat ng bata may baon na.. Dati yong mga kaklasi ko yong baon nila Malalaking kamote, yong iba saging na mukhang masasarap nguyain. yong iba naman kamoteng kahoy na minatamis sa oras ng kainan.. May mga kapatid din ako sa aming paaralan tulad ko wala rin silang baon kaya nabubusog nalang kami sa tingin tingin sa kanilang mga baon. Grade 1 palang ako noon yong iba kong mga kapatid ay nasa grade 2,3at4.. pagkalabas namin sa skwela ay naghahabulan kami pauwi sa bahay pero dumadaan muna kami sa mga puno ng bayabas, santol or di kaya sampalok at kayomito. Minsan marami kaming nakukuha minsan wala doon lang kami nakakaraos ng gutom. Paguwi namin sa bahay dinadatnan namin yong ama namin na nagiinuman kasama yong mga kumpari nya yong masaklap pa kahit yong pang.ulam dapat namin ay ipinupulotan pa nila kaya kami nagtitiis nalang sa kanin at asin. Masaya kami kahit na ganun pero pag tapos na ang inuman nila tatay nagtatakbuhan kami sa loob ng aming kwarto kahit na barong barong lang noon ang bahay namin may maliit kaming kwarto. Tinatagoan namin yong aming Ama na sinasapi.an ng ispirito ng alak sinasaktan nya kasi ang aming Ina. Wala kaming magawa kasi ang tangkad ng aming ama may lahi daw na kastila kaya di namin kaya ang lakas nya sa twing lasing lang naman ganyan yong ama namin. Pag walang pasok naman namomolot kami sa dagat ng mga kabebe benibenta namin para may pambili kami ng papel at lapis. Pag wala kaming makain sa isang araw ako mismo ang uma.akyat sa puno ng niyog at inihahampas namin sa puno para mabuksan at makain namin ang laman nito. Pero ngayong malaki na ako dala ng kahirapan ngayon ko lang naalala na yong bahay at lupain namin sa Samar malapit yon sa dagat at Maraming puno ng niyog dahil yon ang pangunahing ikinabubuhay namin yong koprahan. Pero wala na yon ngayon kasi mga bata palang kami pinapirma ang aking ama at ang kapalit nito ay mabibigyan sya ng pera worth 1000pesos kapalit nong perma nya at ng lupa na 350 square meter. At ngayon wala na akong mga magulang ang aking ama ay namatay dahil sa hirap sa pagdumi sanhi daw ng kakakain ng ma aanghang. Ang aking ina naman ay nabulag ng katandaan at nagutom dahil sa naiwan syang nag iisa sa bahay ng nakatatanda kong kapatid. Ang saklap ng buhay noong kabataan ko pa hanggang ngayon di parin nagbago. Thank You For Reading God Bless Us.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.