Isang mister na kagagaling sa trabaho ang biglang nainggit sa kanyang asawang nanunood ng TV. Nagdasal sya sa Diyos. Mister: Lord maari ba, minsan lang ay pagpalitin mo kami ng katawan ng misis ko para maranasan nya ang hirap magtrabaho? Sumagot ang Diyos: Masusunod ang kahilingan mo anak. Kinabukasan paggising niya ay sya na ang misis at ang misis naman ang naging mister. Siya na ngayon ang maagang bumabangon, naghahanda ng almusal, naglilinis ng bahay, nagluluto, naglalaba, magsasampay at mamlantsa, maghatid sundo sa mga bata, magbabayad ng bills ng ilaw, tubig, internet, mag-aalaga ng bata at magligpit sa mga kalat, magbudget ng sweldo na inaabot sa kanya na dati sya ang nagiintrega. Noon niya nalaman na mas higit na mahirap at pagod maging misis. Kinagabihan muli syang nagdasal: Lord patawarin po ninyo ako kung nainggit ako sa aking asawa. Ngayon ko nalaman mas hirap at pagod pala sya kaysa akin. Ibalik nyo na po kami sa dati na ako ang mister. Muli ay sumagot ang Diyos: Masusunod anak, pero kailangan mo maghintay pa ng siyam na buwan. Kagabi nung magtalik kayo, nakabuo kayo ng baby. Kailangan mo munang maranasan ang manganak. Hahahahaha😂 CTTO lesson learned 🤣🤣🤣🤣
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet