read.cash Log in
@lovejoie more from that month

🌳🌳 FOREST BATHING🌳🌳 Noong nakaraang linggo nagpasya kami ng asawa ko na maglakad sa loob ng kagubatan malapit lang din sa amin mga 30 minutong drive mula sa amin papunta sa site dahil sa loob ito ng Subic Bay Freeport Zone. Nagpunta kami sa tinatawag na Pamulaklakin Forest Trail. Nagpunta na kami dito nakaraan para magconduct ng River Inspection dahil parte ng trabaho namin bilang isang maintenance contractor dito sa local Subic Water District ay ang pangalagaan ang mga ilog. Dahil sa ganda ng lugar nagpasya kaming maghiking lang sa loob ng forest or a walk in the woods ika nga, na hndi na kasama ang trabaho kundi parang nagdidate kami☺️😉. Twenty five years na pala kaming nagtitiis sa isat isa 🤪🤪 joke joke lang, eh feeling namin mga newlyweds pa din kami. Ganun ang pakiramdam naming dalawa hanggang ngayon, kaya totoong may forever guys👍😉 Nag Forest Bathing kami. Nakarinig naba kayo ng Forest Bathing? The term emerged in Japan in the 1980s as a physiological and psychological exercise called shinrin-yoku (“forest bathing” or “taking in the forest atmosphere”). The purpose was twofold: to offer an eco-antidote to tech-boom burnout and to inspire residents to reconnect with and protect the country’s forests. This is a form of ecotherapy Forest bathing is not just for the wilderness-lover; the practice can be as simple as walking in any natural environment and consciously connecting with what’s around you. . (source national geo) So may new word na tayo ngayon since lahat dito sa noise mahilig mag kodak kodak with nature so tawag dyan forest bathing nadin. Balik sa kwento,😄😄 Napakaganda sa pakiramdam ang mag Forest Bathing noisemates. Maririnig mo ay ang ibat ibang huni ng ibon sa loob ng forest, napaka presko ng hangin at dahil sa tabi kami ng ilog grabe ang lamig ng paligid. Ang daming ibat ibang klaseng puno ang aming nakita may, Lawaan, Mahogany, Nara, Tibig, Kupang yong iba hindi ko na kilala(hindi pa kami close sa susunod magpakilala ako sa kanila😄). Try nyo din noisemates mag Forest Bathing👍 #FORESTBATHING *original content *oppo Reno5 5G

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.