read.cash Log in
@lovejoie

Nabudol! Hayyy, kakaloka guys. Kakaalis lang ni mamang shopee nagdeliver ng worth P1,400 na items si hubby kasi ang andun sa gate dahil paalis sya. Tinanong nya ako kung ano yang worth 1k plus pa eh sagot ko naman hindi ko alam, hindi naman ako mahilig magoorder online usually yong anak namin ang uutusan ni hubby magorder online pero mga tools and gamit lang namin for business. Aba e nung tinignan ko mga mixed nuts, naalala ko siguro 2 months ago nakita ko sa feed sa fb about lowcarb dahil avid fan ako ni Dr. Rojo about sa low carb diet eh sya yong endorser so nagorder naman si ako dahil b1t1 . Nakaplace na ako ng order ng nabasa ko mga comments na inedit lang daw ulo ni Doc dinikit lang sa post nila... haha, grabe guys hindi ko napansin yon eh ang galing ng pagkaedit eh hindi mo nga malalamang edited. So 2 weeks ago I received a text na on the way na daw order ko kaya nagreply ako na cancel ko na order ko..... pero eto dumating..... grabe parang seeds nga mga ibon. Kalerki naman eh alam ko dahil marami kaming ibon eh Lesson learned, hindi na talaga ako magorder order ng kung ano ano sa fb. Grabe noh daming budol sa fb. Hindi kaya nachicheck nila yan ng mismong fb??.....

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.