Suka Eto yong ikinabubuhay namin noon, mula sa lolo ko hanggang sa papa ko. Kilala noon ang suka na galing sa nipa dito sa barangay namin.. Pero kasabay ng paglaki namin ay unti-unting nawala itong ikinabubuhay namin. Yong mga may ari kasi ng lupang may tanim na nipa ay mas ninais na mapaunlad ang kanilang lupa sa pamamagitan ng pagpapatayo ng school at mga apartment kaya naman unti unti ring nawala sa serkulasyon ang sukang galing sa nipa dito sa barangay namin. Anyways, namiss ata ni papa ang pagka-karit kaya hayan at niyog na lang kinakarit nya..hehe naka ilang bote na din sya ng tuba galing sa niyog na yan. :) Sabi nya, di daw kasi natutuloy yong bunga kaya ganyan na lang daw muna gawin nya..:)
1 comment
Yan din isa sa source of income ng papa ko noon mga bata pa kami.