read.cash Log in
l@lorenz08

Kahapon pa to pero ngayon ko lang naisip ipost dahil sobrang pagod ko kagabi nakalimutan ko mag update..😅 Since my GC ako worth 2k, naisipan ko pumunta ng Robinsons para mag grocery.. Pero dahil limited lang yong kailangan ko bilhin, naglista na ako ng mga priorities na bibilhin ko tapos since dko alam kung magkano prices, cp ko ginawa kung pangcalculate para sure na di ako maso-short sa budget or kung sobra man, di masyadong malaki yong cash na ilalabas ko.. Pero hindi talaga maalis sa akin na di makakita ng mga goods na gusto ko kaya hayan, sumobra ako!haha Medyo tumagal pag grocery ko kasi paglabas ko gabi na! Tapos pag uwi ko ng bahay bungad sa akin ng hipag ko hinahanap na daw ako ng mama ko at sobrang nag aalala sila kasi di ako nagtext na malate ng uwi 😅 Nawala sa isip ko na magpaalam kaya tuloy aligaga sila kung napaano na ako.. Di kasi sila sanay na di ako nagpapaalam, since maski na OT sa work nagpapaalam ako or pag may pupuntahan ako nagttext ako sa kanila.. Sadyang kahapon, nakalimutan ko sila itext.haha Pero naalala ko nagsabi ako sa kanila nung Friday na mag grocery ako ng Saturday

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.