read.cash Log in
l@lorenz08

Maaga akong nagpunta ng sementeryo ngayon kasama ang mama ko, tito at mga tita ko.. Nilakad na namin since di naman gaanong mainit ang panahon, exercise na lang din namin since minsan lang makapag lakad-lakad mga kasama kong senior.. Expected ko naman na malamang madamo at baha doon dahil ilang araw din na umulan since may bagyo kaya nakabota kami na nagpunta, pero never ko naisip na ganito kadumi dadatnan namin.. As in ginawang tambakan yong sa puntod ng mga mahal namin sa buhay.. Yong mga nasa kabilang bakod, tinambak nila basura nila sa amin..hayz buti na lamang at mas maaga yong hipag ko, nag hire xa ng mga bata na maglilinis kahit papaano.. Actually bawal na maglinis pero nakalusot pa din sila 😅 taga doon lang din daw kasi sila.. Umakyat na lang kami sa kabilang bakod kasi masukal na din masyado at baha rin dyan, may mga nakita pa akong mga bubog at salamin kaya maski nakabota delikado pa din daanan.. Ingat po sa mga papuntang sementeryo..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.