read.cash Log in
l@lorenz08 more from that month

Share ko lang yong encounter ko sa mga bastos na kabataan: Early this morning, I decided na maglakad na lang papuntang waiting area ng mga tricycle since matagal kung hihintayin ko na may mapadaang tricycle sa aming lugar (masyado kasing un-even yong kalsada at malalaki yong mga tambak na mga bato). Naririnig ko yong tahol ng mga aso kaya kabado ako habang naglalakad praying na sana di maglabasan ang mga aso kasi sobrang takot ako sa kanila lalo dun sa mga nanghahabol.. Hinabol na kasi ako dati ng aso at muntik ng makagat.😅 Thankfully, nakalampas ako ng walang nanghabol na mga aso pero nung malapit na ako sa kanto, andun yong mga construction workers. Ang ingay nila at talagang kinuha attention ko dahil tumatawag pa sila ng mga tricycle na nakaparada. Diko sila pinansin maski foul na yong mga sinasabi nila.. Though sila-sila lang yong nag uusap, alam ko sa sarili ko na ako pinag uusapan dahil ako lang naman ang nag lalakad doon at sa akin sila nakatingin. Ang babastos lang kasi narinig ko yong mga sinasabi nila, disente naman ang suot ko-nakauniform ako, halos wala makikitang skin dahil naka cardigan din ako.. Mata ko lang nakalabas pero nabastos pa din ako. Ngayon ako naniniwalang, wala sa suot ang problema. Uminit ulo ko kanina pero pinalagpas ko na lang, aside sa late na ako, hindi kapatol patol yong mga walang modong kabataang mga yun.. Sana lang diko sila makita ulit bukas.. Anyways, Dinner na po kayo!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.