Kanina maaga ako nagpunta sa health center para magpa check up. Matagal ko na kasi iniinda yong lower back pain na parang may times na kumakalat pa ang sakit hanggang batok. Tapos nadagdagan pa ng pananakit ng right side ng dibdib ko.. Payo ni doc magpa urinalysis daw ako, buti na lang libre na urinalysis sa center hinintay na lang namin yong result pero inabot na ng 1pm bago mabasa yong result kaya di na ako pumasok sa work.. Thankfully, normal naman yong result ng urinalysis ko, nerve pain daw yong nararamdaman ko. Niresetahan ako ng gamot pero di lahat ng gamot eh available sa center kaya binili ko na sa labas yong iba.. Na bothered lang ako dun sa isang nireseta ng doctor kasi nakasulat sa foil eh anti epileptic 😅 Chineck ko sa Google para saan yon..😅 Ang mahal din ng gamot na yan, buti na lang may pa discount din si unilab maski papaano eh nakamenus ako ng 29%. Nakahinga na ako ng maluwag, atleast ok pa mga kidney ko..😊 Thank God talaga at di naman ganoon ka seryoso tong mga nararamdaman ko. Iwas lang sa sobrang stress..😁
No comments yet