read.cash Log in
@linoasis more from that month

Isang panibagong simula umaga sa ating sa mga kapwa ko maiingay, dahil start na muli ang ECQ at isa kami sa lugar na maapektuhan ng lockdown kaya eto ang kalagayan sa aming lugar, ang bawat isa ay sumusunod kahit papaano walang nakabas ng bahay kundi ang mga APOR lang at wala pa gaano sasakyan maaaring ang ilan ay nakakuwo na ng probinsya bago maabutan ng lockdown. Dahil sa pangatlong pagkakataon ng lockdown, ang bawat pamilya ay makakaranas muli ng pagtitipid, magdedesiplina kung paano pagkakasyahin ang kanilang budget, at higit sa lahat ang bawat isang tao ay may kaakibat na pangamba dahil aktibonpa din ang virus. Katulad ni Haring Araw kahit man makapal ang ulap na bumabalot sa kanya at maitim na kaulapan handa pa din sya magpakita ng kanyang liwanag upang magbigay sa atin ng panibagong pag asa, kaya ano man ang dumating na pag subok sa ating buhay wag tayo mawalan ng pag asa dahil darating ang bagong simula na may panibagong buhay para sa ating lahat. At kung ano man ang nararanasan natin, ito ay may hangganan at katapusan basta magtiwala lang tayo kay God. Sa muli magndang umaga sa lahat. #noisecash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.