Para saiyo ito Gold Medalist Heidilyn Diaz, isa kang pinoy na kailangang ipagmalaki habang buhay ng kapwa pinoy. Para sa mga kapwa ko FSFG isang pagpupugay sa ating bagong bayani. "Sasaludo ako, Ipagmamalaki ko. Habang tinutugtog ang Pambansang Awit ng Pilipinas, Luha ko nama'y tumatagas." Isang malaking karangalan Makasama sa Olympics na paligsahan Sa pangalawang subok sa kompetisyon Ikaw ay naging inspirasyon. Masarap maabot ang tagumpay Dugo't pawis, at mga buwis buhay Mga pinagdaanang paghihirap Bago nakamit ang iyong pangarap. Wala yata sa isip mo ang pagsuko Hanggat di nakakukuha ang ginto Salamat sayo at naabot na rin Unang medalyang ginto ng bansa natin. Talagang ipagsisigawan ka namin Saludo kami sayo Hidilyn! Masaya lahat ng mga young and old, Congratulations on winning the GOLD! Credit picture owner: cignal
2 comments
mabuhay ka heidilyn diaz...isa kang karangalan ng Pilipinas.
sobrang deserved niya lahat ng nakukuha niya ngayon.