read.cash Log in
@lemonGirl more from that month

Ang sabi ko sa sarili ko gagawa ako ng modules ngayon kaso masakit parin yung katawan ko at tinatamad pa ako. Siguro bukas ko nalang sila gagawin ahaha or mamayang hapon dahil para sakin maganda talaga gawin yung mga schoolwork kung hapon na. Tapos may nakita na naman akong mga dessert recipes sa YouTube na parang gusto kong gawin kaso wala pa akong ingredients dito kaya pumunta ako sa shopee para tignan yung mga prices ng ingredients para may alam ako kung magkano yung magastos ko kung online yung bibilhin kong ingredients kesa dito sa amin. Syempre pagkatapos sa pagtingin ko sa mga ingredients nagsearch na din ako ng mga hand mixer, blender at oven lol dahil nga puros sira yung mga ganyan namin PERO natatakot naman akong bumili through online dahil baka pagkadating dito defective yung item pareho din sa printer baka defective din siya kung mag order ako tas na mishandle siya ni courier kaya baka kung magsibukas na yung mga appliances na shop baka pupunta ako dun at magcanvas ng mga prices. Yung tungkol sa printer naman may na suggest yung dating kaklase ko na shop sa mall na nagbebenta ng mga different brands of printers kaya nagmessage ako sa shop na iyon tas ang awkward pa ng message ko ahahaha dahil yung message ko ay "Good morning po! ask ko lang kung meron po kayong available Epson L360 or yung L121? kung meron po ano po yung prices nila?" Ahahaha at mabuti nalang nagreply sila agad kaso sabi nila wala na daw silang ganyang klase na available at nag-suggest sila ng ibang units kaso nga lang yung prices ay nagrange ng 9 to 59k at pang school purposes ko lang sana kaya nagpass nalang ako sa offer nila. Kaya sa ibang shop nalang ako maghahanap ulit

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.