Miss na Kita🤍 Miss ko na ang mga tinginan na may kahulugan Miss ko na ang mga ngiti mong nagbibigay sa akin ng kasiyahan Miss ko na ang mga panakaw mong haplos Na hindi naman halata sa kilos Pero sa aking puso ay tumagos Miss ko na ang iyong boses sa tuwing ika'y kumakanta Hindi mapakali at pinagpapawisan pa Samahan pa ng pahapyaw mong tingin na labis kong kinatuwa Miss ko na ang lalaking handang takbuhin ang ulan Makita lamang ako At ikukulong sa mainit niyang yakap Na ako'y parang nasa ulap Pero walang tayo Mga alaala ay mananatili na lamang sa aking puso Dahil ikaw ay wala na at masaya na sa piling ng iba... leejhen 🤍
2 comments
Ang ganda ng tula pero bakit ang sakit, huhuhu
Sakit naman sa dulo sis.