Kahapon at Ngayon🤍 Sana makaya ko nang pagmasdan Ang iyong larawan na hindi iniiyakan Sana hindi na papatak pa ang aking luha Sa tuwing titingnan ang iyong maamong mukha Sarili ay pilit pinipigilan Pero puso ay gusto pang lumaban Para saan? Para lalo lang masaktan? Sana ikaw ay kanyang alagaan At paka ingatan Hangad ko ang iyong kaligayahan Kahit puso ay nasasaktan Sana huwag makalimutan Ating kahapon na puno ng kasiyahan At itago sa puso at isipan Na minsan, tayo ay nagmahalan Lumipas man ang kahapon Ika'y Mahal parin ngayon Na sa puso ay laging iniingatan Hanggang sa walang hanggan... leejhen 🤍
No comments yet