Hello Noisers 🥳 I join the Good Novel writing challenge. Which is a Heart-breaking Scene. And here's my entry. Hopefully it will win... I'm sorry for the others because it's in Filipino language... Paalam, Mahal Ko. Sila ay muling nagkita upang wakasan ang pagmamahal, na hindi man lang nabigyan ng katuparan. "Hi!" Unang bumati si Geo. Na nagpabuhay muli ng alaala ni Rona. Kung saan, sa unang ngiti at kaway nito sa kanya. Ay nabihag nito, ang kay tagal ng natutulog niyang puso. "Kumusta?" Mahinang tanong ni Rona. "Okay lang, ui! ikaw, kumusta?" Pahapyaw na biro ni Geo. Pero hindi naman magawang matawa ni Rona. "Okay lang. Ito na ba ang wakas?" Malungkot na tanong ni Rona. Napawi ang mga ngiti ni Geo. Ito na ang ayaw niyang mangyari, pero napag-desisyunan niyang tuldukan ang pagmamahalan na hindi paman sumisibol ay pinili niyang iwasan. Mahirap pala sabihin ng harapan! Ginawa niyang huwag magparamdam at lumayo ng tuluyan habang ginawa naman ni Rona ang lahat ng paraan na siya'y huwag kalimutan. Pero Kung ayaw na ng taong Mahal mo. Para saan pa ang iyong ipinaglalaban? Alam ni Rona na hindi kayang sambitin ni Geo ang salitang paalam. Kaya siya na ang tatapos. Kahit pa sa puso niya, ang sakit ay tumatagos. "I-I guess this is goodbye..." Mahinang bulong ni Rona. Habang nanginginig ang kanyang mga labi dahil hindi na niya mapigil pa ang pag-iyak at tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha. "M-mahal na Mahal kita Geo. Pero kung ito lang ang tanging paraan upang mabigyan ka ng kasiyahan. Pinapalaya na kita. Paalam, Mahal ko." Agad na tumalikod si Rona pagkatapos sabihin 'yon. Hindi niya kayang tingnan si Geo dahil baka mawalan siya ng lakas ng loob at tumakbo pabalik dito. "Rona, I'm sorry." Sambit ni Geo. At tuluyan ng lumisan. Mabigat ang dibdib na humarap si Rona. Tanaw ang papalayong si Geo. Nagawa niyang magpalaya pero ang sakit ay nakakulong sa puso niyang walang tanging sinisigaw kundi si Geo lamang... leejhen 🤍
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
I wish you'll win this challenge
I have read two to three more of your poems before and you have written those poems very well.You wrote this poem very well and now I can say that you can write a very good poem. Many, many good wishes for you.Good night friend