My Fiance is a Playboy Part 6

11 55
Avatar for leejhen
2 years ago

Maganda ang gising ni Macey. Mahimbing siyang nakatulog kagabi at hindi niya na namalayan kung kailan lumabas ng kwarto niya si Zander.
Paglingon niya ay nandoon ang picture frame!
Hindi na basag at bago na ang frame.
Labis na natuwa ang kanyang puso at may pakanta kanta pa siya habang naliligo.
Pagdating sa kitchen ay masaya parin si Macey at patuloy lang sa pagkanta.
Bigla siyang napatigil ng makita si Zander na nakaupo.
Andito pa siya?
Akala niya ay nauna na ito sa school.
Hindi niya alam ang gagawin.

"What are you looking at? Let's have breakfast baka ma late na tayo."

Tama ba ang narinig niya?
They will eat breakfast together?
Mas lalong nadagdagan ang kasiyahan na kanyang nadarama.
Pero hindi parin niya magawang umupo. She is still in a daze and felt like it is all a dream.
Gusto lamang niya pagmasdan si Zander at baka bigla itong mawala.

"Sit down and eat." Tumayo si Zander at inayos ang bangko na kanyang uupuan.

At dahil hindi parin makagalaw si Macey ay hinila na siya ni Zander paupo at binigyan ng pagkain.

Habang kumakain hindi maiwasan ni Macey ang mapatingin kay Zander. Magana itong kumakain tulad ng dati at wala namang nabago sa kanyang mga paboritong pagkain.
Maliban sa kanyang alaala at pagiging playboy ay wala masyadong nabago sa kanyang pagkatao.
Anong wala Macey!
Hindi ka na kasali sa buhay ni Zander.
Nalimutan ka na niya...
Iwinaksi mi Macey ang masamang eksena na naglalaro sa kanyang isipan.

Milagro din na inihatid siya ni Zander sa school. Sabay silang bumaba ng kotse nito at ang mga Marites sa paligid ay agad nag chismisan.
Iniwan siya ni Zander ng makita nito si Wednesday Queen.
Ang mga Queen sa buhay ni Zander, hayaan muna Macey ikaw na ngayon si Sunday Queen hehe.
Pero joke ko lang 'yon.
Nasaan na kaya si Tuesday Queen? Baka bigla na naman itong may gawin na masama sa kanya.
Kailangan ng dobleng pag iingat.

Nakita siya ni Ria at hinila siya nito papasok sa loob ng classroom. Wala pang tao dahil hindi pa nag ring ang bell. Ang lahat ng estudyante ay nasa labas pa.

"Hello Ria." Bati ni Macey.

"Hello ka diyan, grabe ang dami nang nangyari sayo ah. Bago ka palang dito. At Congratulations for being the Sunday Queen." Nakatawang sabi nito.

Sunday Queen for real?
"Ako?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman, ikaw! Don't tell me pumayag kang maging Sunday Queen ng hindi mo alam?" Nagtatakang tanong nito.

That was all a joke at tinotoo ni Zander?
"I really don't know, that was all a joke. Na trigger lang ako kay Tuesday Queen." paliwanag ni Macey.

"Speaking of Tuesday Queen. Wala na siya sa University. At naka post sa bulletin board na wanted Tuesday Queen si Zander."

Ano? Need pa talaga e advertise ni Zander?
Medyo hindi makapaniwala si Macey.
"Bakit? I thought Zander will court his Queens?" Nagtatakang tanong ni Macey.

Tumawa lang si Ria.
"No, the Queens will court him!" Nakatawang sagot nito.

OMG, Don't tell that I will court Zander?
"Seriously? Hindi ba niya niligawan ang mga Queens?"

"Hindi, bakit niligawan ka ba ni Zander?" Tanong ni Ria.

Yes! Pero noon ay Oo.
"No, pero hindi ko alam na naging Sunday Queen na ako for real." Hindi makapaniwalang sagot ni Macey.

"For real na talaga, dahil kasali ka na sa line up ng mga Queens. At magiging busy ka na rin sa pagpili ng Tuesday Queen."

"Ano ito, Queen Selection?" Tanong ni Macey.

"Yes, exactly! A Queen Selection. At ang mamimili ay ang mga Queens din." Talagang alam na alam ni Ria ang lahat.

"Bakit, walang niligawan si Zander?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko alam. Wala pang niligawan si Zander dito sa University. Pero ewan ko lang outside, baka may iba pa siyang girls or Queens." Kibit balikat na sagot ni Ria.

Medyo nasiyahan naman si Macey na walang niligawan na iba si Zander. Siya lang! Masaya na siya doon. At itong pagpili ng Queens ay medyo masakit sa bangs. Hindi niya alam kung kakayanin niya ba.
At si Tuesday Queen, bakit bigla siyang nawala?
Okay na din at mababawasan ang kanyang alalahanin.
And speaking of Queens.
Si Monday Queen ay palapit papunta sa kanila ni Ria.

"Nice meeting you, Sunday Queen." Sabay abot ng kanyang kamay.

Hindi alam ni Macey ang gagawin. Medyo awkward sa kanya ang ganitong sitwasyon. Pero tinaggap parin niya ang naghihintay na kamay ni Monday Queen.
"Nice meeting you too. Awkward niyang sagot.

"Mamaya pala, huwag ka munang uuwi. May Queen Selection and kailangan present lahat ang Zander's Queens."paalala nito.

Medyo naiinis si Macey sa term na Zander's Queens.
Siya lang ang nag iisang Queen sa buhay ni Zander at wala ng iba.
Kahit pilitin niyang umiwas ay hindi parin niya ma control ang selos na bumabalot sa kanya.
"Okay." Matipid niyang sagot.

"See you later."At umalis na ito.

"Yay, Queen na ang friend ko." Si Ria na masaya pa.

Pero si Macey ay hindi magawang tumawa o ngumiti man lang.
Ano naman kung Queen siya? Eh ang dami naman nila.
Pero at the same time ay masaya siya dahil siya lang ang niligawan ni Zander.
If only his memory will come back.
Paano pag hindi na?
Kakayanin niya ba?
Oo naman Macey kakayanin mo yan!
Nakaya nga ni Zander itaya ang sarili niyang buhay for you.

It is very awkward to sit down being a judge.
Judge in Selecting Zander's Queen. Katrina is the leader of all Queens. Kaya siya ang tagapamahala kung may ganitong event or parties.
Napakasimple lang naman ng gagawin. You should write failed or passed.
At puro failed ang sinulat ni Macey, dahilan para mapansin ni Katrina.

"Macey, bakit puro failed ang remarks mo?" Nagtatakang tanong nito.

Wala siyang dahilan para papasahin ang lahat ng kababaihan na may gusto kay Zander. Ayaw niya at mabigat sa didbdib niya ang ganito.
"Failed silang lahat sa paningin ko."Walang ganang sagot ni Macey.
Ano ang isasagot niya? Ayaw niya ang ginagawa pero ito lang ang paraan para mapalapit kay Zander.
Kung pwede nga lang na siya lang ang matitirang Queen.
Masyado kang assuming Macey. Hindi ka na kilala ni Zander!
At dahil diyan, biglang nalungkot si Macey at hindi mapigilan mapaiyak.
"E-excuse me." Paalam niya kay Monday Queen at agad na tumakbo papalayo. Hindi niya mapigilan ang mapaluha ng tuluyan. Hindi na niya makita ang dinaraanan at nabangga niya si Zander na papunta sa Gym.

"What happened? Are you okay?"Sunod sunod na tanong nito. Nagtataka siya kung bakit malungkot at umiiyak si Macey.
May nang bully na naman ba sa kanya?

"Sorry Zander, okay lang ako."Sabay takbo ni Macey. Hindi niya maharap si Zander sa ganitong emosyonal na sitwasyon. Nakakahiya!

Sa kakatakbo niya ay napunta siya sa school garden. At medyo nasiyahan siya sa nakita. Ang gaganda ng mga bulaklak at refreshing sa paningina at pakiramdam. Ang babango pa nila.
Pero ang kanyang mga luha ay hindi na nagpaawat pa. Tuluyan ng bumagsak at nagsipaligsahan sa pagpatak.
Malungkot siya! Hindi niya alam kung bakit. Ayaw niyang mawalan ng pag asa.

"Here, wipe your tears."May biglang nagsalita sa kanyang likuran at nag offer ng panyo.

Ayaw sana tanggapin ni Macey pero baka ma offend niya kung sino man itong nagmagandang loob.
"Salamat."Matipid niyang sagot. At nagulat ng makita niyang si Jerome ito.
Sa lahat ng tao ay si Jerome pa. Hindi niya alam kung ano ang pinag awayan nila ni Zander at ganoon nalang ang galit nila sa isa't isa. Pero mabait si Jerome at wala naman itong ginagawang masama sa kanya.

"Sino ba ang nagpaiyak sayo? Don't tell me it's Zander?"Tanong nito at biglang nagdilim ang pagmumukha.

May galit sa mga mata ni Jerome. At hindi na maiwasan ni Macey ang magtanong.
"Bakit galit na galit ka kay Zander?"

Galit parin ang expresyon ng mukha ni Jerome.
"He is the one who ruined my sister's life."Mahinahon na sagot nito pero puno ng galit at hinanakit.

Nagtaka si Macey. Hindi magagawa ni Zander ang ganyan, mabait siya at magalang sa mga babae.
Pero noon 'yon Macey! Ibang Zander na ang kaharap mo ngayon.
Iwinaksi ni Macey sa isipan ang masamang Zander. Sa puso niya ay ito parin ang kanyang Zander.
"How come you said that? May relasyon ba sila ng sister mo?"Tanong niya. Kung totoo man ito, another karibal na naman sa puso ni Zander.
Pero sino ang tunay na nasa puso ni Zander?
She is hoping na siya, pero iba na ang sitwasyon ngayon.
Hindi na maalala ni Zander ang masaya nilang nakaraan.

"Hindi ko masasabi na meron o wala. Pero naging Queen ang kapatid ko. At sa di malamang kadahilanan ay bigla itong inalisan ng korona. Dahilan para maging depressed at mawala sa sarili ito. Nabaliw ang kapatid ko dahil kay Zander! At hanggang ngayon ay nasa  Mental Hospital parin siya."Mahabang paliwanag nito na nagbabaga ang mga mata sa galit.

Napaisip si Macey sa narinig. Sa pagkakaalam niya pag natanggalan ng korona ang isang Queen ay lumabag ito sa rules ng Oath of the Queen.
Sasagot sana si Macey at sasabihin ang tungkol dito kay Jerome ng biglang may nagsalita sa kanilang likuran.

"Do you really wanna know the truth?"Galit na tanong ni Zander.

Nabigla si Macey at Jerome. Pinipilit ni Jerome na kontrolin ang kanyang sarili na huwag sugurin si Zander. Dahil baka matakot na naman si Macey. Pero hindi niya magawa!
Noon iniiwasan niya si Zander hangga't maaari. Ayaw niyang mag krus ang kanilang landas sa school. O kahit saan man.
Pero ngayon ay lagi na silang nagkikita. And he knows it's because of Macey.
"Truth or it's a big lie?"Sagot niya sabay lapit kay Zander pero humarang si Macey.

"Jerome, please calm down. Maybe it's time to talk about it? About the past, baka may misunderstanding lang kayo before." Kumbinse ni Macey.

Medyo kumalma naman si Jerome. Macey is like his healing therapy. Napapakalma siya nito.
"Alright, explain and I'am all ears."Pinipilit kumalma ni Jerome.

Kahit ayaw ni Zander sabihin ang totoo ay he has no choice. Maybe this is the right time for him to know what really happened during those times.
"Your little sister is using and selling drugs to the Queens."

Natigilan si Macey sa narinig at hindi makapaniwala at napatingin siya kay Jerome na katulad niya ay hindi makagalaw sa sobrang shock.

Biglang nag apoy ang mga mata nito sa galit at itinulak si Zander.
"Huh! Galing mong gumawa ng kwento. Stop blaming others on your wrong doing!" Sigaw nito.

Pero si Zander ay kalmado lang.
"That's why I don't wanted to tell the truth. You love your little sister so much but that's the real truth. Take it or not."Sabay hila niya kay Macey papalayo.

At naiwan si Jerome na tulala. His little sister is using drugs?
His dear little sister?
Shock parin siya to hear the whole truth.
Parang bombang bigla nalang sumabog. The fact na his little sister is in mental hospital.
She should be tested.
Her poor little sister...

Gustong e comfort ni Macey si Jerome pero baka magalit si Zander kaya sumenyas nalang siya at nag wave ng goodbye.

Pero si Jerome ay wala parin sa sarili at hindi siya napansin. Tulala lang ito.
Nag alala parin si Macey at napatigil siya sa paglalakad.

Na ikinagalit ni Zander.
"What? You want to go with him?" Galit na tanong nito.

Natakot si Macey pero bahala na. Ayaw naman niya iwanan si Jerome na wala sa sarili at magulo ang isipan.
"Could we at least bring him home? Baka mapaano siya, wala siya sa tamang kaisipan at nabigla sa kanyang mga narinig." Paliwanag niya.

Well, hindi naman bato ang puso ni Zander. Jerome is his best friend but that was before his sister became his Queen.
At wala siyang nagawa kundi sumunod kay Macey at ihatid nila si Jerome.

"Are you okay? Ihahatid kana namin." Sabi ni Macey.

Nagbalik si Jerome sa kasalukuyan. Macey is indeed his therapy pill. Out of impulse ay bigla siyang napayakap dito.
"Thank you Macey."

Si Macey ay nabigla at hindi alam ang gagawin.
Itutulak niya ba si Jerome?

Si Zander na hindi na maipinta ang mukha ay inagaw si Macey sa pagkakayakap kay Jerome.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagselos.
Gusto niyang paliparin si Jerome ng kanyang suntok pero it isn't fair in their current situation.
"She is off limits. So back off!" Pagbabanta niya kay Jerome.

Pero hindi natinag si Jerome. Nakapagdesisyon na siya, to fight his feelings for Macey. No matter what.
Niyakap niya si Zander.
"Paano ba 'yan, I love Macey and I will fight for her." Bulong nito.
At nagpaalam kay Macey.
"Macey thanks for the offer but I'am okay. See you again." Sabay wink.

Si Macey ay naguguluhan.
Ang bilis naman maging okay ni Jerome?
At may pa kindat pa?
Pero ang mukha ni Zander ay seryoso. He will never let anyone or anybody na agawin ang kanyang mga Queens.
They are all mine!

leejhen 💞

Like the story?

Part 1

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-1-c9799b50

Part 2

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-2-92647386

Part 3

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-3-1086b767

Part 4

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-4-4ced2bc6

Part 5

https://read.cash/@leejhen/my-fiance-is-a-playboy-part-5-e0cbaf90

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/yPsZcUtyanb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

👉https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

👉https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty

9
$ 1.74
$ 1.53 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Crackers
$ 0.05 from @gertu13
+ 2
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
2 years ago

Comments

Almost 5 days, I missed this part 6 :), a good thing that I saw it right now.

$ 0.05
2 years ago

Great

$ 0.00
2 years ago

Lalong gumanda yung kwento sis.☺️ Gusto ko to napa thrill na ako. Yung gusto din ni Jerome si Macey. Iniimagine ko tuloy ano yung reaction ni Zander. Parang pinag agawan na si Macey.

Parang Korean drama lang sis. Aabangan ko talaga next episode nito. ☺️

$ 0.05
2 years ago

Hahah thanks. Ewan ko kung korean drama ba siya.

$ 0.00
2 years ago

You're always welcome sis.❤️☺️

$ 0.05
2 years ago

Ap Jo bhe krti hain acha krti han kafi log is bat se Khush hoty hain ap bht mehnat kr Rahi hai ap jo bhe krti hain hamesha Wohi krti hain jo Ap k liye best ho aur ap us main Jan laga deti ho aur ye bat Apki suh se achi hai

$ 0.05
2 years ago

Naintriga tuloy ako as ibang eksena kaya babasahin ko na yung first part.😅😅

Ang ganda hindi ko akalain na pwede pala talagang mag tagalog. Naku nakakainspired.

Lagot si zander may kaagaw na siya kay macey.😁😁

$ 0.05
2 years ago

Pwede naman man. Try mo lang then patience na mapansin ni little bot.

$ 0.00
2 years ago

Ayan Zander May iba ng nagkagusto kay Macey. Hehe, nae-excite ako sa sunod na mangyari

$ 0.05
2 years ago

Yeah thanks. Fighting lang ako nito sa dami ng e susulat haha.

$ 0.00
2 years ago

Yes fighting lang. Hintay lang kami kung kailan sunod update. Lalong gumaganda yung eksena

$ 0.05
2 years ago