Join 83,105 users already on read.cash

It started with a DARE Part 2

24 54
Avatar for leejhen
Written by   519
1 month ago

Lexie:

Ay, Nakalimutan ko.
Ang Lamborghini ko pala ay naka hug sa baby blue ni Bryan.

Ayun, nakahalukipkip ang mukha habang naghihintay sa akin.

Hahaha, I told you, that is my private space and spot.

Kahit nakasimangot eh, ang gwapo parin nito. Flawless and Spotless.

Perfect!

Pangit parin siya Lexie.

"At last the Queen has arrive." Nakasimangot na sabi nito.

"It's a miracle! Now kilala mo na ako?" Naka snob kung tanong.

"Yeah,you are Queen. Yan ang tawag ng mga classmates natin sayo."Walang gana nitong sagot.

Huh, bwesit na lalaking ito.

"Could you please move your car? I'am very late on my appointment."Nakatingin pa ito sa relo niyang Patek Philippe ang brand.

May Rolex naman ako.

"Okay, Just wait for a minute."Huwag niyo na galitin ang Lolo ninyo. Mukhang may importanteng pupuntahan.

I move my car para makalabas na si baby blue niya.

At ayon, umarangkada na si blue leaving us with so much of his fart este smoke.

Baby lamborgh, okay ka lang?
Pagkatapos niyo mag date ni baby blue. Utot lang ang pinakain sayo. Usok pala. Kawawa ka naman hehe.

Parang ewan na baliw lang ako dito. Hinihintay ko ang aking mga alipores.

And there, they are!

My four best of friends since Elementary.

Meet Mia, Cara, Lalaine at si Cindy ang pinaka baliw sa amin.

Pero puro anak mayaman ang mga yan.

In Graysville Private School. Those who can afford, can study. And there's hundred of benefits that awaits to all every students.
And they will surely enjoy.

We also have a scholarship program.

But for those who will pass the school's exclusive examination lang and that is only happen once a year.

Sa apat, si Cindy ang pinaka abot hanggang mata ang ngiti.

Yong tatlo parang pinagbagsakan ng Isang truck na bato.

Wondering what happened.

Lumabas ako ng sasakyan at sinalubong sila.

Si Cindy na may hawak na sobre ay biglang napasigaw.

At nagtatalon na parang bata. Yong tatlo eh ang tamlay.

Lukaret na babae!

"Hoy Cindy anong nangyari sayo? May latest news ka ba?" Yeah, siya ang Marites ng grupo. At kunwari lang magtatanong sayo kung narinig mo na ba ang latest galing kay Marites.

Masayahin lang talaga siya.

"Queen!" Sumigaw ulit habang niyayakap ako.

"Wait lang, hindi ako makahinga! Ano ba yang news na yan at napakasaya mo?"

Inilabas niya ang laman ng sobre.

It's a blue card!

Galing sa grupo ng mga notorious. Ang Lethal Alpha Gang.

Kung nagtataka kayo kung bakit may mga Gangster sa school namin.

Yan ang hindi ko alam haha.

Gangster Group are allowed in our School. But there's a law to be followed. At ang dami niya para sabihin ko isa-isa.

Basta, the important rules of all. Bawal ang gulo inside the school premises.

Kaya, ang mga Gang dito ay sa labas nag rarambulan.

Not literally nagsusuntukan. Remember they are all came from a rich family.

Car race, motor race, bike, surfing and all kinds of race. Basta maisipan nilang e bet.

Nagkakaroon agad ng Tournament.

They are wasting there parents money.

At sa lahat ng mga yan ang Lethal Alpha Gang and champion. Kaya nakuha ni John Bryan Clint ang korona ng King of Gangster.

Sige na e sali na natin ang pinaka gwapong leader of all Gangster.

With the help na rin ng kanyang mga friends.

At itong si Cindy. She is wasting her throat. Daig pa ang nanalo sa lotto.

She is proudly showing to us. Her blue card.

May nakasulat na...

Congratulations!
You are given the privilege to be the Lethal Alpha Gang Queen for 1 week.
Enjoy.

Ito ang pinaka aabangan ng mga girls. Ang maging Queen ng Lethal Alpha Gang.

"Ang saya ni Marites. Congrats Cindy." Bati ko sa kanya.

Pero ang tatlo ang lungkot.

"It's unfair huhu. Bakit si Cindy lang." Ang O.A ni Lalaine wala namang luha.

"Sana all." Si Mia na nag pout pa ng lips.
Ang pangit, ginaya pa talaga yong advertisement.

"Ano ba ang sekretong malupit na ginawa mo Cindy. Kinulam mo ba sila?" Isa pa to si Cara.

Na imagine ko tuloy ang mukha ng Gang na kinulam haha.

"Ang sekreto, ay dahil sa ating Queen!"Sumigaw ulit ito at tumili. Mababasag ang ear drum ko sayo Cindy.

"Me? Bakit, ako?" Di makapaniwalang tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ng Girls at na excite.

"Remember, kanina binigyan mo ako ng chance. Pahiran ang muta ng King of Gangster." Parang nakalutang sa ulap pa ito habang nagsasalita.

Nang dahil sa muta? Joke ko lang yon hehe.

"What?"nagsabay pa ang tatlo.

Hindi namin sila classmate ni Cindy.

"I wipe it with gentleness and care. And he said, thank you." Parang nangangarap lang ang ate niyo.

"And I can feel it, na yon ang dahilan. Napansin din at last ang beauty ko!" May pataas taas pa ng kamay na nalalaman.

Hallelujah!

"Nang dahil sa muta lang huhu. Aabangan ko ang mga Lethal Boys bukas." Determinadong sabi ni Cara.

Hay, Dead na dead talaga ang mga friends ko sa ewan na Gang na yan.

Buti nalang, hindi stress ang beauty ko. Ang mga boys na crazy in love sa akin ang stress na mapansin ko.

Ang gusto ko ay ang Bubble Gang. Nakakatawa na at stress free pa.

"Huwag na kayo mag emote. Let's party! Ano Cindy libre mo?" Tanong ko.

" Of course! Let's go girls."

"Bet namin yan. Let's go at Edsmond Palace." Si Lalaine.

" Wait, bakit doon? Mamumulubi ako. Ang mahal sa Club niyo."Kuripot si Marites.

" Don't worry 50% discount ka friend."Si Lalaine Faith Edsmond. Sila lang naman ang may ari ng famous at most expensive Clubs and Bars here in the Philippines.

If you don't have money, then don't hangout at Edsmond Palace.
The place is like a real palace.

Pag makabasag ka lang ng isang antic vase or kahit na anong naka display na mga collections at paintings. It's worth a millions na. With capital S pa yan.

The place is very cozy to hangout. A perfect place for a rich girl like us.
Not just for girls but for everyone na hindi kuripot at can afford to spend.

Ako ang pinaka ate nila. They are still 17  years old. Kaya, wala pa silang car.

Ang saya lang namin habang pakanta kanta sa loob ng sasakyan.

Well, I guess alam niyo na kung ano ang music na naka play.
Black Pink songs ang pinaka favorite naming lahat.

We finally arrive and I park my car habang ang mga girls ay nauna na sa loob.

Guess kung sino ang nakita ko?
Ano pala hehe.

Si baby blue. Dito rin naman pala ang appointment ni Bryan.

Curious tuloy ako. Naglalasing ba ang Gang?
Naku, hindi ko sasabihin sa mga girls. Mababaliw ang mga yon. Bahala sila haha.

Oh baby lamborgh, dito ka muna. Haba ng hair mo ha. May date ka ulit ayiih.

Change outfit muna ang bida na pabida.

They have a private store inside the Club.

Especially when in terms of clothes. Isang sikat na International Model at Fashion Designer ang Mommy ni Lalaine.
At dahil nababagot sa mansion ay naisipan nitong gumawa ng own Clothing Line Collection.
Which is exclusive lang talaga sa mga super duper rich.

Clothes is very essential sa aming mga rich girl. We value our OOTD(Outfit Of The Day).
It's the most important one followed by beauty cosmetics syempre.

Pamper your skin baby.
At e maintain ang nakakaloka naming ganda.

So, no problem at all!
We have our black card to spend the famous hand made creation of Tita Elnie.

Pag ang brand ng clothese mo e tatak Edsmond. Talbog na ang lahat.

***************************

We are ready, Let's party!
Boys here we come...

At ayon, ang apat nauna na pala. May pa posing pa akong nalalaman dito.

Napakalaki ng buong stage.  Parang Araneta Colosseum lang. Pero mas malaki pa ata ito.

Ang daming mga bagets. Tumakbo na ang apat sa stage.

Nagwala na haha.
Si Cindy ay nag pole dancing! Napakasaya talaga ni Marites.

Nakatanggap lang ng blue card.

Kaming mga feeling black pink girls ay pwede na e pambato ng Pilipinas.

We got it all.
Singing, Dancing, Poetry, Sports at syempre winner sa beauty.

May hahanapin ka pa ba?
Medyo humangin hehe.

Let's party!
Maki join na rin ako sa dance floor.

At nag tumbling agad sa taas ng stage.

May split pang nalalaman.
Oh, saan ka pa!

"I love you Queen!"

"Marry me Lexie!"

Naglabasan na ang mga fans hehe.

Giving them my signature kaway at flying kiss.

I dance gracefully.
Kembot to the right...
Kembot to the left...

At nangyari ang hindi inaasahang aksidente.

It's my first time na matumba at ma out of balance wearing my favorite 4 inches Branded Prada high heels.

At ang saklap lang. I'm going down the stage!
Medyo mataas ang babagsakan ko.

Falling down...
Down...
Down...

Sisigaw na ba ako ng Darna?

My Beautiful face!

I can finally see the light. Ito na ba ang daan papuntang langit?

Am I going to die?

Nakikita ko pa ang mga boy fans ko sa baba na hindi alam ang gagawin pero nakaabang silang lahat.

Sana lang masalo nila ako. Kung hindi ewan ko nalang huhu.

I'am getting closer to the light.

Slow motion yan.

My light in shining armor...

He catched me with his strong hands.

Dapat naka poise pa din ako. I'am the Queen, so I will fall gracefully.

Ayan ang ganda ko lang.

I open my eyes beautifully.

And his eyes met mine...

Pero wait...

John Bryan Clint?

Na out of balance siya at deretso kaming bumagsak.

Slow motion again...

Akala niyo may kiss, wala hehe.

Nag landing ang mukha ko sa kili-kili ni Gangster King.

Ano, swerte na ba ako?

At ang...

In fairness ang bango!
Parang baby, ang fresh ng amoy ni pabebe boy.

Pero bigla niya akong itinulak.

"Get off, of me!"Galit na sigaw nito.

Menopause na ata ito. Ang sungit!
Hindi man lang ako tinanong kung buhay pa ba ako.

Ang sakit!

Napa dive ako sa sahig at ang tuhod ko ay nasugutan.

Iniwan lang akong luhaan at sugatan!

Buti nalang ang mga boy fans ko ay to the rescue.

My smooth and precious skin.

John Bryan Clint, I hate you!

To be continued...

leejhen 💞

Like the Story?

Part 1

https://read.cash/@leejhen/it-started-with-a-dare-part-1-5bc8a618

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/HM7ugL9exlb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

👉https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

👉https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty
empty

12
$ 9.06
$ 8.69 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @gertu13
$ 0.05 from @sj0820
+ 8
Sponsors of leejhen
empty
empty
empty
Avatar for leejhen
Written by   519
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Dati adik ako magfacebook tapos ngayon sa read.cash na hahaha. Sobrang galing mo naman gumawa ng story tapos grabe ang effort nyan. Amazing po! Nakakahanga ka naman po galing mo na writer as in po. Simula ng nagbabasa ako ng mga stories mo, lage nalang paiba iba ang emotion ng mukha ko HAHAHAH. Kasi silent reading ginagawa ko tapos sasabihan nalang ako ng co worker ko na HOY NAKANGITI KA NA NAMAN. HOY BAT GANYAN NAMAN MUKHA MO? hahaha. More stories pa po please. 😍😍😍

$ 0.10
1 month ago

Wow thanks pero Kung ito na story ang binabasa mo ma unpublished ko siya pag nakapasa na isali sa contest. Pag pumasa sa dreame na siya mababasa or yugto.

$ 0.00
1 month ago

The essence of a story is the meaning and wisdom that we can apply in the life we ​​live. when we feel something that makes us have to change the pattern of life then the story has played a role in life. like this story i can change when i read it. influence to the heart. Thank you friend

$ 0.00
1 month ago

your story sounds like what I had on Wattpad. Writer ka po ba doon?

$ 0.10
1 month ago

Writer na naudlot haha. Pero reader ako since 2014. Ngayon lang ako nagsulat ulit sa wattpad.

$ 0.00
1 month ago

Really addict ako sa wattpadd , inaabot ako mg madaling araw sa kakabasa🤣

$ 0.05
1 month ago

Hahaha, kawawang Lexie, deadma lang ni Clint ang beauty niya.

$ 0.10
1 month ago

Haha sa next part andun ang reason kung bakit.

$ 0.00
1 month ago

Walang dating ang beauty ni Lexie kay Clint ,naintriga ako sis.heheh

$ 0.05
1 month ago

First of all good Morning Dear Friend have a Good Day buddy I hope you are absolutely fine and doing well and enjoy your day..

You article always based on some story like a novel just feel to read that I'm learning always something new that was incredible increasing knowledge Day By day that why I'm Soo happy . Now waiting for part 3 it think that was Soo awesome like that

$ 0.10
1 month ago

Galing nyo po talaga gumawa ng story!! Kahapon papo ako abang ng abang sa update nyo haha .. waiting po sa new update!

$ 0.10
1 month ago

Haha Thanks.

$ 0.00
1 month ago

Naku, two days lang ako nawala, may new story ulit! Di ka nauubusan ng ideas, ate ano? Lodi ka talaga! 😂 Makapunta nga muna sa Part 1..

$ 0.10
1 month ago

Sasali sana ako sa contest haha. Sunday na pala ngayon nasa part 2 palang ako.

$ 0.00
1 month ago

Saang contest po ba yan? Malay mo mahasa ang skills ko sa pagsulat pag nag join din po ako hehe.

$ 0.00
1 month ago

Buti pa yung sasakyan peaceful at laging may date, ito kayang bida kailan maging friends? Hehe, excited na ko sa part 3!

$ 0.10
1 month ago

Hahaha hindi ko alam kailan sila maging friends depende sa flow ng isip ko.

$ 0.00
1 month ago

Hala, sana maging inspired yang isip mo sis na gawing friend na sila sa susunod, hehe

$ 0.05
1 month ago

Super nice! Kaya abang na abang pa ako for more part sis. Ganda naman ng imagination mo sis. Pang Wattpad writer hehe

$ 0.10
1 month ago

Nilagay ko na siya sa wattpad haha.

$ 0.00
1 month ago

Hahahhahah nice yan sis

$ 0.00
1 month ago

hehehe na e- entertain ako sa kwento asan na ung part-3? so baby lamborgh at baby blue nag date kasi.

$ 0.10
1 month ago

Wala pang Part 3 haha.

$ 0.00
1 month ago

kailan mo po ilalapag dto nabibitin ako eh hahahaha para akong nanunuod ng kdrama.☺️

$ 0.05
1 month ago