Batang Pinoy
**Pilipino ako** Namulat sa pag respeto Mapa po at opo Ho at oho Sagot ko lagi'y may puso Inay, itay Ate at kuya Pamilya Yun ang mahalaga Basta kasama ko sila Ako na'y masaya Pagkagising sa umaga maririnig ang sigaw ni Mang Rapha "Taho" "taho" Sunod ako'y tatakbo kay ina Magpapabili ng taho na aking bitamina tuwing umaga Maya maya'y may darating na bisita Mano po sabi kay lola Ang aking pagbati ay masiglang pagkamusta Maghahanda ng meryenda Kape at tinapay ay sapat na Pagsasalusaluhan habang nagpapalitan ng masasayang kwentuhan Kay sarap pagmasdan Pamilyang kaligayan ay matatamis na asaran Isang larawan Na hindi matutumbasan Ng ano pa mang ginintuang kayamanan Dahil ang pamilyang hawak kamay Na nagdarasal At labis kung magmahal ay higit pa sa kahit anong kayaman na ating maaring makamtan. Ako'y nagagalak na pumasok sa eskwela, Kubg saa'y aawitin ang himig ng lupang hinirang na aking sinisinta Sabay ng panunumpa sa katapan Sa aking lupang sinilangan.. Puno ng galak, Na tila nalalasing sa alak Ang aking pagsaludo Sa mga bayaning nagbuwis ng buhay at dugo Para ako, Para tayo Ay manatiling puro At likas na mga pilipino Pinaglaban Hanggang kamatayan PILIPINO AKO! Special thanks to **@Ashma** for motivating me to do more and I'm also glad to join **"Get Sponsored !!"** community https://read.cash/@Ashma https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b The idea of this community is to sponsor quality content creators & reward community members for their activities. For more information, refer to this link **https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b** Join if you want to **"Get Sponsored !!"** https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b
5 comments
I don't understand the language.😒😒
Pagkagising sa umaga maririnig ang sigaw ni Mang Rapha "Taho" "taho" Sunod ako'y tatakbo kay ina Magpapabili ng taho na aking bitamina tuwing umaga > naalala ko tuloy yung tumakbo ako sa labas ng walang saplot para lang tawagin si manong magtataho HAHAHA
Good job! Ang ganda naman boss ng tula. Sana all magaling
Di man. Sakto lang. Project ata yan dati ng kapatid ko kaya ko nagawa.
I see