Hubad

20 71
Avatar for ladyhanabi
3 years ago

BABALA: Ang kwentong ito ay hango sa totoong storyang kababalaghan at katatakutan, at kung hindi mo nais ang ganitong storya, maghanap ka nalang ng ibang mababasa.

Sponsors of ladyhanabi
empty
empty
empty

Ang Unibersidad ng Bikol ang napilling pasukan ni Natasha para sa kanyang pag aaral sa Kolehiyo. Sa kanyang di inaakala ay higit pa sa pagsubok ng bagong kapaligiran, diyalekto at pag uugali ng mga tao ang kanyang mararanasan.

Lingo, magiisang buwan na si Natasha sa kanyang kaserahang bahay at tila lahat naman ay normal. Madali siyang nakapag adjust at makaadopt ng pamumuhay sa lungsod ng Albay.

Galing sa pamamalengke ng papasok na siya sa kanyang kwarto ng kanyang narinig ang patuloy na pagtagas ng tubig mula sa banyo, "Taeng mga kaboardmate ko to oh, gagamit ng tubig sa CR di manlang marunong mag sara ng gripo" asar na mungkahi ni Natasha habang tinutungo ang daan papunta sa banyo at isara ang gripo.

"SINO DAW DIYAN YUNG GUMAMIT NG CR DI MANLANG SINARA ANG GRIPO" Parinig ni Natasha sa kanyang mga kaboardmate at tuluyan ng pumasok sa kwarto.

Habang innayos ang mga pinamili ay napagtanto niyang may kulang sa kanyang grocery, kaya't habang may oras pa ay dali dali siyang lumabas para bilhin ito.

Sa kanyang pagbabalik ay tila mas lalong naasar si Natasha ng makitang bukas nanaman ang gripo sa kanilang banyo. Padabog niya itong tinungo at isinara. "Bwiset talaga hindi ba sila marunong magsara o magtipid ng tubig?" pikon na bulong ni Natasha sa sarili.

Alas diez ng gabi ay nagpasya na syang magpahinga at may pasok na kinaumagahan.

Sa himbing ng ng kanyang tulog, nagising siya ng alasais trenta ng umaga at laking gulat niya na wala na siyang saplot pambaba. Nanlaki ang kanyang mga mata at nagtaka kung paano siya nahubaran ng shorts. Luminga linga siya at hinanap ang kanyang damit at nahanap ito sa baba ng kama.

"Aaaaaahhhhh!!" Sigaw ni Natasha

"Lorieeee!!" gising niya sa kanyang room mate.

"Ano yun? ang aga mo naman mambulabog" ika ni Lorie

"Bat wala na kong shorts pag kagising ko? Pinag tripan niyo ba ko?" Natatarantang tanong ni Natasha kay Lorie.

"pft Hahahahahahaha seryoso ka?" natatawang tugon ni Lorie

Natahimik lamang si Natasha na di malaman kung anong dapat isipin.

"Baka malikot ka lang matulog kaya ka nahubaran" pampakalmang paliwanag ni Lorie kay Natasha.

"Tama, baka malikot lang talaga ako matulog" pilit na pag kumbinse ni Natasha sa kanyang sarili kahit na alam niyang tila imposible ang nangyare.

Sinubukan nalang niyang balewalain ang kaganapan at nag tungo na sa banyo upang maligo. "Umagang umaga, nakabukas na nanaman ang gripo, sayang ang tubig umaapaw nanaman" ani ni Natasha at tuluyan ng naligo.

Natapos ang araw na nabubulabog ang kanyang isipan ng kanyang hubad na karanasan. Tila natatakot na matulog na baka maulit ang nangyari. "Ah alam ko na magpapajama ako, para kahit malikot man ako ay di ako mahuhubaran" at dali daling nag palit ng panjama at natulog na.

Isang magandang tulog nanaman para kay Natasha, hindi siya nagising o nanaginip manlang. Ngunit sa kanyang pangamba ay dahan dahan niyang kinapa ang kanyang pambaba kung siya ay may suot pa bang pajama. At sa kanyang gulat ay wala nanaman siyang saplot pambaba. Nanginginig na dinampot ni Natasha ang kanyang pajama sa sahig at tinungo si Lorie.

"Loriee, Loriee gisiiiingg" Naiiyak na boses ni Natasha

"uy Tash, bat ka umiiyak?" sabay bangon na tanong ni Lorie.

"Anong oras kayo natulog nila Meg, hinubaran niyo ba ko?" tanong ni tash kay Lorie, apat silang magkakasama sa kwarto, Si Natasha, Lorie, Megan at Cindy.

"Uy Tash bat ka umiiyak?" Naalipungatang tanong nina Meg at Cindy.

"Ka-kkanina pag kagising ko, wala na kong suot na pajama" naiiyak na tugon ni Tasha.

"Dalawang beses na tong nangyare, hindi niyo naman ako pinag ttripan diba?" naguguluhang tanong ni Natasha.

"Hindi!" sabay sabay na depensa ng tatlong kasama sa kwarto.

Pilit na binalewala ni Natasha ang kaganapan ngunit sa takot niya ay kanyang kinontak ang ibang kaibigan na kung maari ay makitulog na muna sa kanila.

Nang pagbalik ni Natasha sa boarding House nila ay kinatok siya ng Kanilang Land Lady, "uhm Tasha iha halika may ipapakita ako sayo" marahang bati nito kay Natasha.

Nagtungo sila sa silid kung saan naruon ang CCTV Monitor, at doon ipinakita ng land lady sa kanya ang clips na makikita ang daan papunta sa CR.

Napahawak si Natasha sa kanyang bibig na tila di makahinga.

Walang nakakaiwan ng gripo ng bukas, kusa itong nag bubukas.

"Narinig ko sa mga kaboardmate mo ang nangyare, pasensya na kung hindi ko sinabi sainyo dahil ayoko kong matakot kayo" marahang paliwanag ng land lady.

"Nagalit mo ang espiritung naninirahan sa banyo dahil sa pag sara mo ng gripo"

"Pasensya na iha"

Nanginginig sa takot si Natasha at tumakbo patungo sa kanilang kwarto.

Hindi na siya nag dalawang isip kundi ang mag alsa balutan at lumipat ng matitirhan baon ang kanyang hubad na karanasan.

simpleledger:qp6wk7rcfgjt5tqnfut9ru3g8t3lasg0qgggwtf4f3


Share your spooky story in Spooks Community.

9
$ 1.25
$ 1.23 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @sjbuendia
$ 0.01 from @Foogi
Sponsors of ladyhanabi
empty
empty
empty
Avatar for ladyhanabi
3 years ago

Comments

Well parang totoo ang pagkasulat. Parang mangilabot ka talaga. It is really a story.

$ 0.00
3 years ago

True to life po talaga yan. Kinda scary yet funny. Pero pag tayo ang basa lugar ng nakaranas niyan nakakaparanoid talaga

$ 0.00
3 years ago

ah I see.

$ 0.00
3 years ago

Nice :) please check your wallet. I sent 1 spooks token already

Hahaha speaking of, grabi namang multo yan bakit nanghuhubad 😆

$ 0.00
3 years ago

Hahaha I'm glad you enjoyed it sir. Pero true story po talaga yan. Sabi ko nga sa kaibigan ko bat di niya muna triny mag pantalon tas magpaha. 😂😂😂

$ 0.00
3 years ago

😆 Baka mahubaran parin?

$ 0.00
3 years ago

Hahaha yun nga kaya lumipat na siya

$ 0.00
3 years ago

It is well

$ 0.00
3 years ago

Thanks.

$ 0.00
3 years ago

👻 Spooks Question ❓

5 Spooks token sa unang 10 tao na makakakuha ng tamang sagot

Ano ang kasarian ng multo sa kwento?

$ 0.00
3 years ago

Babae

$ 0.00
3 years ago

Please add na Lang po Yung SLP address niyo. I will send pag Tama pero pag Hindi, walang token. I cannot reveal the answer here.

$ 0.00
3 years ago

simpleledger:qz0aa9f63npexug7qp948yer687vvxc07cpkvccrcw

$ 0.00
3 years ago

babae po.

simpleledger:qp6wk7rcfgjt5tqnfut9ru3g8t3lasg0qgggwtf4f3

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot naman boss haha. Sana ang mahanap ni Natasha na titirahan eh ayos na haha. At sana wala nang mabiktima yung multo

$ 0.00
3 years ago

Real life story yan boi

$ 0.00
3 years ago

Tae nakakatakot naman boss hahaha. Good luck kay Natasha

$ 0.00
3 years ago