Tula ng Pag-ibig para kay Jasmin
Huwag kang iibig nang dahil sa pilak Pilak ay may pakpak Dagling lumilipad Pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap. Huwag kang iibig nang dahil sa ganda Ganda’y nagbabawa Kapag tumanda na Ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba. Huwag kang iibig sa dangal ng irog Kung ano ang tayog Siya ring kalabog Walang taong hindi sa hukay nahulog. Huwag kang iibig dahilan sa nasang Maging masagana Sa aliw at tuwa Pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya. Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo At mahal sa iyo Kahit siya’y ano, Pusong-puso lainang ang gawin mong dulo. Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga Ikaw na suminta Ang siyang magbata; Kung maging mapalad, higit ka sa iba. Sa itong pag-ibig ay lako ng puso Di upang magtubo Kaya sumusuyo Pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo. Mahal ko maaari ba?
No comments yet