2
14
Pasensya na kaibigan.
Naiistorbo na pala kita.
Di ko naman layunin na maging papansin.
Tulong at payo nyo lang naman ang hinihingi.
Kaya pala sa tuwing magkakasama,
Atensyon nyo'y sa akin ay iwas na.
Di na rin pala nagiging malusog.
Presensya ko'y lason na.
Ngayong nakahiga sa ilalim ng kalawakan.
Nakatulala sa kawalan.
Siguro'y itatago ko nalang.
Bigat na nararamdaman.
Ang bigat ng atake nito. Nakakalungkot.