Pasensya na
`Pasensya na kaibigan.` `Naiistorbo na pala kita.` `Di ko naman layunin na maging papansin.` `Tulong at payo nyo lang naman ang hinihingi.` `Kaya pala sa tuwing magkakasama,` `Atensyon nyo'y sa akin ay iwas na.` `Di na rin pala nagiging malusog.` `Presensya ko'y lason na.` `Ngayong nakahiga sa ilalim ng kalawakan.` `Nakatulala sa kawalan.` `Siguro'y itatago ko nalang.` `Bigat na nararamdaman.` English Version https://read.cash/@kli4d/i-am-sorry-bf87bba6
1 comment
Ang bigat ng atake nito. Nakakalungkot.