Naku po huwag ka naman umulan dahil nagtatrabaho ang asawa ko,nasa labas pa naman work niya at siya lang din mag isa wala siya helper,yung dapat na kasama niya kasi ay may tinapos din,para mapa billing na yung nakaraang ginawa nila para maibigay na ang sahod sa friday. Alam niyo minsan nagtatanong ako,bakit kaya mapag biro ang tadhana,kung kailan gipit kami at kailanganin namin ng pera ay saka naman mang aasar ang panahon,sa dasal nalang din ako kumakapit,dahil hindi naman kami nagkulang,patuloy naman kaming nagsusumikap para makaahon,kulang na nga lang gawing araw pati ang gabi,pero syempre kailangan din natin ipahinga ang pagod na katawang lupa natin para may lakas tayo kinabukasan at kailangan din natin alagaan ang ating sarili.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet