#HappyMothersDay2022 Ang pagiging ina ay hindi madali,maraming sakripisyong kailangan gawin para sa ikakabuti ng anak.Ako bilang ina hindi man perpekto pero ginagawa ko ang lahat para saking anak at ito ang pinakamalaking sakripisyo ko para sa kanya. π5 taong gulang palang ang anak kong panganay noon ng nagdesisyon akong doon muna siya sa papa niya,hiwalay kami ng ama niya,dahil kailangan niya na mag aral at wala ako kakayahan na pag aralin siya dahil hindi ako makapagtrabaho dahil walang mag aalaga sa kanya.Namasukan ako bilang katulong at hindi ko siya pwedeng isama doon,yung ang unang paghihiwalay namin ng anak ko,araw araw akong umiiyak dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya pero wala akong magawa kundi lakasan ang loob ko kahit na masakit at sasabog na dibdib ko,tiniis ko,nilabanan ko ang pagkamiss ko sa anak,iniisip ko nalang na mas mapapabuti ang buhay niya sa poder ng ama niya kesa sa poder ko dahil wala pa akong kakayahan na pag aralin siya dahil kahit ako hirap din noong time na yun.Ilang buwan ang nakalipas at nakaipon ako pero kaya dinadalaw ko ang anak ko at namamasyal kami,ngpapadala din ako para pandagdag sa gastos sa pag aaral niya,hindi ko parin siya pwede kunin dahil namasukan lang ako. Ngayon ay ay 16 yrs na siya at nasa poder parin ng ama niya,ok narin sakin atleast maganda ang naging buhay niya doon,tuloy parin naman ang communication namin thru social media.
3 comments
How sweet its that! Blessed Sunday Dear
Happy mothers day to you sis and your mother too,enjoy your day po,God bless
Happy mothers day sis gandang gabi sayo