Isang masamang balita ang chinat sakin ng aking kapaitd na wala nadaw ang tiyohin namin na kapatid ng mama ko,papa crising ang tawag namin sa kanya,nakasanayan na kasi namin na mama at papa ang tawag namin sa mga kapatid ng mama ko. Nabigla kami sa nagyari dahil malusog pa naman yun,at kamakailan lang masaya din siya noong kasal ng bunso niyang anak noong sept 1,wala naman ibang sakit ang tiyohin nami na iyon,kanina daw umaga bigla nalang daw hinimatay at dinala sa ospital,inatake daw sa high blood yun dw ang sabi. Sobrang nag aalala kami ngayon sa mama namin dahil iyak ng iyak,nasa davao city nakatira ang mama ko at gusto niya pumunta doon sa lugar ng tiyuhin ko sa lanao del norte,hindi namin pwede pabayaan bumiyahe si mama mag isa kaya pasasamahan namin kay papa,dalawa sila punta doon,ngayon kailangan namin magtulungan magkapatid para pampasahe nilang dalawa,diyos ko lord kayo na po ang bahala,sana makaraos kami sa lahat ng pagsubok na ito.
2 comments
Condolence po ka mate
Salamat mate