Yung mag ama ko tulog na pero ako hindi pa nakatulog kasi ako kanina hapon kaya nood nalang muna ng HUWAG KANG MANGAMBA habang ngpapa antok at pindot pindot nalang din ng cp.. Kamusta kayo mga kaingay? Happy hallowen sa lahat Gandang gabi
@khym01 in November 2021
Maulang umaga kaingay,ito na naman ang ulan ngpaparamdam na mas lalo tuloy lumamig ang sinmoy ng hangin dito sa side namin,nakakatamad tuloy kumilos buti at wala na tupak ang baby ko naglalaro nalang siya may pasigaw sigaw pa hahahaha.. Ng almusal naba kayo kaingay?ako ng kape at biko kinain ko may natira pa kasi sa luto nung isang gabi tapos binigyan pa kmi ng kapitbahay namin ng biko ulit kaya lalo na dumami hehehehehe Ingat po ang lahat..
Nangapitbahay lang tapos napa meryenda pa,busog much naman kaya mamya naman late na mghapunan kasi late nadin nakapg meryenda at may pa padala pa Thank you sa kapitbahay namin Swerte ko sa kapitbahay namin mababait
Pag minalas ka nga naman oh.. Simula pa kagabi ng try ako ulit mg transfer ng $.20 gamit ang wagon pra narin sana makakuha ng libreng cats pero ayan ang nangyari hanggang ngayon hindi parin ng credit sa meta ko,buti at $.20 lang pero sayang din kahit paano.kung ayaw niya dumating hayaan nalang, Mga kaingay sino pa po nakaranas ng ganito sa wagon?
Nov.3 2021 kay bilis ng araw matatapos naman ang 2021 sana ay tuluyan ng nawala ang covid para maipasyal ko naman anak ko sa tagaytay,maganda kasi doon fresh ang hangin at malamig lalo na pag ganitong season,medyo malapit lang din kasi dito samin. Hapon na at oras na para gumala kami ng anak ko sa pligid lang puntahan namin yung ang papa niya na ngwork para di tupakin ang baby ko,papas girl kasi kaya hinahanap lagi papa niya. Gandang hapon kaingay
Kape tayo mga kaingay,medyo napuyat ako kakaabang sa token ko na tumaas ulit hahahahaha ok lang kahit papaano my blessings thanks god Happy thursday morning po sa lahat,it novenber 4 na ilang days nalang pasko na. Gusto ko sana maglaba kaya lang parang uulan makulimlim dito na side samin.. Ingat po mga kaingay Godbless
Mglalaba sana ako kaninang umaga eh makulimlim kaya bukas nalang sabi ko,tpos ngayon hindi pla umulan sobrang init pa tuloy,baka bukas nito saka pa siya uulan pag nglaba ako,parang ayaw talaga makisama si haring araw sakin ah sa tuwing mglalaba ako hahahaha
Magandang gabi mga kaingay,kumain naba ang lahat? Kami tapos na kumain at nanonood nalang ng balita at mga teleserye,relax mode muna habang nag papaantok,pero parang ayaw ko pa matulog kasi may inaabangan pako,pag inantok idlip lang muna saglit..
Dumating nadin yung order namin sa lazada ang ganda niya like ko sia at mukhang mamahalin nabili ko lang ng 27php ang isa ok na para may malaking tasa na kami pag ng kape ang liliit kasi ng mga tasa namin nkakabitin sa kape... Magandang tanghali mga kaingay
Flex ko lang po yung mga mapagbigay na kanoise natin,maraming salamat po sa pag share ng blessings godbless po
Mgandang gabi mga kaingay... Natawa ako sa sarili ko habang nanonood ng probinsyano kasi nakita ang sinakyan nila Mr.President at hinahabol sila,napapigil hininga din ako hahahahaha na dala ako sa palabas ano ba yan. Kayo mga kaingay ano pinapanood niyo ngayon
Magandang umaga mga kaingay,aga ko ngpost hindi na kasi ako mkatulog ulit ngising ako kasi nagdede baby ko tpos di nako mktulog ulit kaya mg update nalang muna ako dito, Napagod ako sa paglaba kahapon kaya maaga ako nakatulog kagabi,inaasar kasi ako ng panahon kahapon,habang may sinampay ako umambon kaya samantalang ang init naman,kaya sa inis ko dindryier ko nalang yung mga sinampay ko at sinampay sa loob bahay kaya yun hindi na umulan hahahaha,mapang asar talaga ang…
Salamat po sa blessings Kay hindi na muna ako magluluto ng ulam mamyang hapon nalang sayang kasi mag ng doble doble ang ulam baka mapanis lang pag hindi naubos sayang lang sobrang init pa naman ang panahon kaya madali makapanis ng pagkain Gandang tanghali mga kaingay Ingat po lahat lalong lalong na sa mga nasa work nila Godbless you all
Mainit na hapon mga kaingay.. At natuyo narin mga sinampay ko kahapon kaya ngayon tupi time naman,hindi ko nalang nilabas mga sinampay ko kahit mainit kasi baka pag nilabas ko bigla namn umulan hahahahaha,natuyo din naman kasi nasa bubong nakasampay at mainit yung yero kaya parang sinampay narin sa labas,tupi muna ako mga kaingay. Ingat po kayong lahat
Thanks god for another day..now watching tv mass Blessed morning noise.cash friends how your morning? Nood muna kami tv mass hindi pa pawede mgpunta ng simbahan eh kasi may baby kami bawal pa atsaka wla padin kami bakuna at parang ayaw din namin mgpabakuna muna...mamya na Magkape after ng mass..
Kanina ang init init tapos ngayon biglang buhos ang ulan ang lakas pa naman buti nalang at karamihan ngayon ay walang pasok,itong klase ng panahon ang nakakasakit kaya ingat po ang lahat lagi mgdala ng payong pag umaalis... Magandang hapon mga kaingay
Almusal tayo mga kaingay,chocolate drink ang iniinom ko sa umaga kasi bawal din sakin ang madalasang kape breastfeeding mom kasi ako kaya doble ingat din sa mga kinakain,minsan ngkakape din ako pag namimiss ko yung kape bihira lang talaga. Tara almusal muna tayo kaingay hanggat nglalaro pa ang baby ko. Blessed monday morning noiser Keep safe Dont forget to bring umbrella at makulimlim na namn ang panahon
Magandang gabi mga kaingay?kumain naba ang lahat? Ano kaya ang nangyari at hindi na siya nadagdagan simula pa yan kanina umaga,may update kaya si noise.cash?sana bumalik na sa ayos ang lahat para happy happy na tayong lahat.. Blessed evening noise.cash friends Ingat po palagi Pray always
Maulang umaga mga kaingay,sobrang lakas ng ulan dito samin maingay sa bubong wla pa kasi kami kisame kaya ingay talaga ng patak ng ulan,parang may bagyo yata hindi ko napanood yung ulat panahon kagabi nabusy kasi ako sa cp hahahaha pasulyap sulyap lang ako sa balita kagabi kunti lang naintindihan ko tuloy.. Mag ingat kayo mga kaingay magdala ng payong palagi panangga sa init at ulan Blessed tuesday and rainy morning everyone
Ang sungit ng mukha ng baby ko ah parang galit hehehe,marunong na mglaro ang baby namin ng laruan niya ung nga lang pag ayaw na niya binabato niya. Magandang tanghali mga kaingay,umaaraw na dito samin sa ngayon ewan ko lng mamya kung uulan ulit..
Humahataw ang BCH,EBEN,LAW at $CATS ngayon congratulation sa mga hodler dyn happy ang pasko sa maraming hodl ng mga yan.. Gandang gabi mga kaingay
Umagang kay ganda mga kaingay,kamusta ang lahat?sana ay nasa maayos kayo at healthy ang pangangatawan. Medyo n sstress ako ngayon sa dami ng iniisip isa na ang hulog sa bahay hahaha baka hatakin na ni PAG-IBIG ito hahahaha pero sabi naman nila basta wala pa dw 1 yr hindi naman dw eh mgakalahating taon nko di nakahulog may 6 months pa hehehehe... Lagi nalang ako ngdadasal na sana manalo ako sa lotto hehehe hindi naman ako nataya,hay nku mga pagsubok talaga sa buhay pasasaan…
Gandang gabi kaingay musta ang lahat,na busy ako kakapost pra makalikom ng ❤ sa cutiest baby liking contest sa fb,pinasali ko yung baby ko,ang dami nila contestant pang entry126 ung baby ko hehehehe Eto po fb account ko @Juvs Basaca Ladiao baka gusto niyo po e ❤ React lang po hwg nalang po mg comment Thank you
Good morning noise.cash friends kamusta kayung lahat ngayon?mainit dito samin na side kaya nglaba ako sana huwag umulan para makatuyo naman kahit paano kahit mkatulo lang at ng mailipat sa loob,hanggat maari ayaw ko kasi mg dryier malakas sa kuryente sayang din ang ibabayad db
Thanks god natapos din ako sa paglaba buti nalang at naging friendly sakin si haring araw dahil hindi siya ngtago,nkatuyo narin ako ng mga una kong binanlawan pinapatulo ko nalang yung nahuli para mamya mailipat narin dito sa loob dahil mag hahapon na. Pahinga kunti habang ngpipindot.. Kamusta nman kayo nga kaingay?Ngmeryenda naba kayo?Hindi pa ako nkpag meryenda tinatamad pako gusto ko muna humilata at napagod ang inday sa paglaba.
Dahil maaga ako nagising ito at silip muna ako dito medyo busy ako ngayon eh dahil sa baby liking contest na naging baby comment contest,ibig sabihin padamihan ng comment doon sa banner ni baby at ang e cocomment mo yung mismong picture banner niya din,nakakaaliw din first time ko kasi sumali sa ganyn,yung sa panganay ko kasi di pa uso ang fb kaya wala pang ganyn hehehehe.. Goodmorning to all Have a blessed day
Almusal tayo mga kaingay,energen champion ang iniinom ko hinto muna sa kape at mas lalo ako nging nerbyosa hehehe,anyway binigyan kami ng saging ng kapitbahay namin hind siya saba parang latundan lang dw eto kinakain na ng ganito hindi nadw kailangan lagain,first time ko nakakita ng ganitong saging di ko din alam name nia Na IGNO lang ako sa saging hehehehe
Nagluto nako ng maaga ginataang tulingan habang nglalaro pa ang baby ko para makapg focus narin ako sa kakapindot bago pa dumating ang boss (asawa ko) hehehehe,para pagdating niya kakain nalang tangahalian at hindi nako mayawyawan,minsan kasi naaliw ako kakacp nkakaligtaan ko na ang oras. Kayo noise.cash friend ano niluto niyo tanghalian? Blessed friday to all
Hapon na ulit ang bilis ng oras,kakagising lang namin ni baby,meryenda time na pala tinatamad naman ako lumabas medyo umaambon kasi kaya higa2 muna at maya maya naman ay tupian time na ng mga damit na nilabhan ko kahapon,natuyo naman siguro un dahil sa init ng yero. Buti nalang nglako yung kaibigan ko mg turon pinupuntahan talaga ako dito sa bahay pag meron siya panindang meryenda. Tara meryenda muna tayo noise.cash friends
Medyo kabado ako ngayon sino kaya ang mananalo sa cutiest baby liking contest na sinalihan ng baby ko,nakaktence din pla ang ganito at the same time challenging talaga,hindi lang pala likes at comments ang basihan kundi padamihan din ng invites dahil mas malaki ang points na mkukuha pag nka invite ka. As of yesterday afternoon nasa ranked #6 ang baby ko at humahabol pa,Laban inahan para sa anak hehehehe,kaya pasilip silip muna ako dito mga kaingay mamya ulit. Goodbless Keep…
Binigyan ako durian ng kapitbahay namin,binigay lang din daw sa knya ito eh ayaw nia daw kumain kaya binigay nia sakin,since asawa ko di rin nakain nito kaya ako lang tlaga makakubos nito,panay angal na asawa ko mabaho daw hehehhe Gandang hapon mga noise.cash friends
Kahit di kami nanalo masaya parin dahil sa cerficate na ito,paglaki ng anak ko makikita nia yan at mgiging proud siya hehehehe.ranked 8 lang baby ko titindi ng mga kalaban eh,masaya kami dahil na naka expirence na sumali sa ganyn nakaktuwa din Gandang gabi mga kaingay..namiss ko ang noise.cash pasilip silip lng kasi ako dito kanina busy kaka comment s entry ng baby ko
Eto muna almusal namin at sinamahan ng chocolate drink na champion,paborito ko itong hopia kahit pa noong high school ako pupunta lang ako ng supermarket para lng makabili ng hopia,mongo or ube yan lang gusto ko na flavor,madami na kasing flavor ngayon meron nadin baboy flavor. Umagang kay ganda mga kaingay Blessed sunday to all
Mainit na tanghali mga kaingay kamusta kayong lahat ngayon,nsa mid november na tayo at ilang days nalang ay christmas na,lumalamig nadin ang simoy ng hangin dito samin medyo malapit lang kasi sa tagaytay,maganda nga sana mgpasyal doon kaso di pa kami bakunado baka ma discriminate lang kami doon atsak my baby din kami kaya stay at home nalang muna at celfon nalang palaging kaharap hahahaha
At dahil natapos na ang sinalihang contest ni baby dito naman ako tambay sa marketcap para mabantayan naman ang mga alaga kong token,at syempre tambay nadin ako dito kay noise.cash,kahit gaano pa ako ka busy di ko makakalimutang sumilip dito at ngayon di nako busy tambayan ko na ulit dito Gandang hapon noise.cash friends Blessed sunday
Gandang gabinmga kaingay,nanood kunyari ng tv pero nsa cp naman ang mata hehehehe,pasulyap sulyap lang s tv pla ginagawa. Kumain naba ang lahat?kami kakatpos lang kaya ito nkatambay naman ako dito ngbabasa ng mga post,nakakgutom ulit ung mga nakikita ko kasi masasarap na pagkain eh.
Natapos nalang ang the clash ng di ko alam kung sino ang ntanggal at naiwan hahaha busy kasi sa cp ngayon naman pasulyap sulyap sa KMJS tungkol naman sa santa claus malapit na talaga ang pasko,ano kaya ang magandang episode nila ngayon?
Nakaktakot yung ahas ang laki,pag nakakakita talaga ako ng ahas kahit sa tv lang kinikilabutan ako,ang bilis naman natapos ang sawa topic. Kamukha naman ni ate V ang next kamukhang kamukha talaga sila. KMJS
Happy monday everyone, Almusal na tayo champion energen at hopia mongo flavor ang aming almusal ngayon,hindi kasi kami kumakain ng kanin sa umaga paea tipid hehehehe,sa tanghali na kami ngkakanin. Tara almusal muna tayo noise.cash friends
Nagising ako kaninang madaling araw dahil ang bigat ng hintuturo ko di ko lang pinansin iniisip ko baka nakagat lang ng ipis hehehehe tpos ngayon umaga tiningnan ko my tumusok pala sa parang maliit na kahoy sa kuko ang sakit sobra iniisip ko saan kaya ako nsugsog wla naman ako maalala. Sinusubukan tanggalin ng asawa ko kanina pero sobrang sakit talaga kaya mamya subukan ko tanggalin ulit
Linis muna ako ng bahay parang 46yrs na yata ako di nakalinis hehehehe jowks,1 week din ako di nkalinis dahil nbusy sa cp eh ngayon di gaano busy at si noise.cash nalang din kinabusyhan ko kaya linis linis din pag my time at itong fabcon ang ipamunas ko para mabango
Salamat at natapos nadin ako paglinis tyempo din gising ng anak ko patapos nako,kaya kain muna puto cheese bigay ng kapitbahay habang ngpapahinga kunti at maya maya ay punta naman tindahan bili ulam Ano naman kaya lulutin ko na ulam?hirap din mag budjet ang mahal kasi ng bilihin. .
Ano naman ang nagyari sa DITO SIM parang pagong naman ang galawan ng internet,gapang pa more grabe naman signal na to nka 4G naman atska inoff ko na nga yung volte call pra lumakas ganon parin,kung smart naman ang loloadan ang bilis maubos ng data ung 7days 2 days lang ubos na agad,Ang tagal naman kasi mkabitan ng wifi dlawNg linggo simula ng apply hanggang ngayon wala pdin. Kamusta nmn kayo noise.cash friends? Gandang gabi po
Yung ANG PROBINSYANO ang gulo, lahat binibintang kay cardo kaya lahat cla ng aagawannsa pagpatay kay cardo tapos ang ending pala sila ang ma shugi o di kaya kaya sila sila nalang mga tatraydoran hahahaha. Kailan ka kaya matatapos?Matatapos kapa kaya?hahaha ang gulo talaga Blessed evening noise.cash friends
Good morning good morning noise.cash friends Ang aga ko nagising aga ko din kasi nakatog kagabi sobrang antok na kasi talaga kahit aning pigil hindi na kinaya ng katawang lupa ko ang antok kaya ngayon eto at ang aga kong nagising kaya tambay nalang ako dito kay noise,cash.
Dami kong spam message ah,saan kaya nila nakukuha yung number ko samantalang hindi naman ako basta basta ngbibigay ng number ko atska hindi rin ako sumasagot ng hindi ko kilalang numero,bahala kayo dyan at hindi ko kayo papansinin kahit ano pa mga txt niyo di ko naman kayo kilala eh
Its my labadami day today,at umaaraw narin siya kanina medyo makulimlim akala ko uulan na pero buti at uminit na ngayon sana hanggang hapon yung init para di nako mag dryier,pero pag kumulimlim naman ulit no choice kailang e dryier para dito nalang ako mag sampay sa loob ng bahay
Naabutan naman ako hapon hindi pa ako tpos mglaba imbes na huling banlaw nlang di pa matapos na busy kaka bantay sa alagang token hehehehe Magandang hapon mga kaingay
Ito lang niluto ko madalian chicken adobo,gusto ko sana pinatuyo eh kaso gutom much na talaga kaya tama na kahit my sabaw pa kunti wla kasi ako meryenda kanina dahil minadali ko matapos yung labahan ko dito ko nalang sinampay sa loob kasi hapon nadin Kain tayo noise.cash friends Gandang gabi po sa lahat
Its ANG probinsyano time na,eto lang din sinusubaybayan ko na teleserye,ngkakabukingan na ang mga kalaban at sila sila nalang ng traysoran hahahaha.. Nood muna ako kaingay Kumain naba ang lahat? Mamya ulit
Makulimlim na umaga noise.cash friends kamusta ang lahat? Late nako nakabisita dito inasikaso ko muna at asawa kong papasok sa work at pinaliguan nadin si baby ng maaga para maaga makatulog,ang aga kasi nagising. Para pagtulog ni baby cp naman haharapin ko hehehehe Blessed morning noise.cash friend Keep safe to all.
Pumunta kami health center kanina pahikawan ko na sana si baby eh wala pla yung midwife sa center namin kaya binigyan nalang kami ng petsa kung lailan babalik. Ang init pa naman ng sikat nag araw pero maulap siya,may nkapagsabi na ng alburoto naman daw ulit ang taal hindi ko lang din alam kasi hindi ko naman npanood sa balita
Ito naman panghimagas ko ngayon saging,kaktpos ko lang kumain yung natirang adobo kagabi inulam ko ako lang naman mag isa kakain kasi malayo pinagtrabahoan ng asawa ko kya tinamad na mgluto,mamyang gabi nako mgluto ng ulam Kumain naba kayo noise.cash friends Tara kainan na
Kaninang umaga makulimlim tpos nawawala at umaaraw naman hanggang tanghali,bago ngayon biglang buhos naman yung ulan npatakbo tuloy ako sa labas dahil ang sinampay kong tuwalya nasa labas,ang gulo ng panahon talaga magugulat ka nalang bigla umuulan samantalang ang init naman Kaya ingat po mga kaingay
Pilit nilalabanan ang antok dahil may inaabangan pa ako,pero yung mata gusto na pumikit,pag din na kinaya iidlip ko nalang muna tpos gising nalang maya maya hahahaha,mg alas onse narin pla malalim nadin ang gabi,para na akong zombie nito puyat pa more hahahaha
Ang ganda mag noise pag ganitong umaga pa kasi malakas ang signal,pag tanghali na kasi gumagapang na ang signal ng internet ko parang pagong na sa hina,late nako nkatulog aga ko parin nagising hahahaha,zombie is real,nsa 10kls na yata eyebag ko hahahaha. Magandang umaga kaingay,madami narin yata ang gising ngayo lalo na yung mga papasok sa trabaho,ingat po kayo at godbless..
Yung ngmumuni muni ako at nag iisip paano paliitin ang eyebag ko hahahaha tpos my biglang kumatok,wow blessings nakalibre naman ako meryenda,maraming thank you sau @mhine12 sa paulan more blessings,ang sarap happy tummy na naman ang piggy girl hahahahaha Gandang tanghali mga kaingay
Magandng gabi mga kaingay kamusta na kayong lahat ngayon?kamusta naman ang araw nyo? Ako ngbabayad sa cp pag tulog ang baby ko cp agad wla kasi gaano gawaing bahay dahil kunti palang ang labahan namin at kunting walis lang din ang linis ko di naman gaano madumi ang bahay Kain napo mga kaingay..
Ang liwanag ng buwan ngayon pinicturan konkaya lang ang pangit capture kaya di ko nalang e upload hindi kasi ako marunong ng mga effect effect sa cp kaya pangit ang kahihinatnan
Goodnight na mga kaingay bukas naman ulit at antok na tlaga ako,ilang araw naman kasi akong ngpupuyat wala naman napala hahahaha Gandang gabi
5:00am palang pero gising na ako at dina makatulog tulog ulit,may aso pang ng iingay na umaalolong hindi ko alam kung kaninong aso yun,sabi nila pag ang aso daw umaalolong may nakikita dw na hindi katulad satin,totoo kaya yun?Natatakot pa naman ako pag may narinig akong ganyn,gusto ko sana gisingin yung asawa ko kaya lang baka pagalitan namn ako hahahahaha. Well,totoo man o hind basta natatakot talaga ako,sana tumigil nalang kakaalulong yung asong yun. Magandang umaga mga…
Thank you sa aming butihing mayor at mga brgy. Official,may panghanda na kami sa pasko kunti nalang idagdag,tuwing pasko talaga dito ngbibigay sila ng ganito napakalaking tulong eto pra samin,thank you again and godbless
Pag ganitong ako lang mag isa kumakain tinatamad ako magluto ulam hahahahahaha,yung natirang ulam nalang kinain ko mamyang gabi nko mgluluto para hanggang bukas ng tanghali narin,at nang mkatipid naman sa gas dahil prang paubos narin ang gas ang mahal pa naman ng gasul ngayon
Ngayong gising na ang anak ko pwede na ako maligo ilalagay ko lang siya sa kama sa baba para kahit mag iikot ikot hindi siya malaglag,Di kasi ako pwedeng maligo ng tulog sia kasi baka biglang mgising at maglilikot malaglag pa sa katre,medyo malikot ndin kasi ang baby ko
Magandang gabi kaingay,musta ang lahat ngayon?Sana ay nakakain na ang lahat. Anyway, Ayon sa balita wala daw LPA ngayon kaya mglalaba ako bukas kasi puno narin ang laundry basket namin.Ako din naman mahirapanbpag lalong dumami labahan ko lalo at may baby pako,Sana lang maging friendly si haring araw sakin bukas.
Magandang umaga po mga kaingay,it another day and it a blessing,thanks god. Siguradong marami na ang gising dito ngayon lalo na yung may mga pasok sa work,ako namn ay mgsasaing nadin at mghahanda na ng babaonin ni mister,kailangan mkasaing ng maaga para napasingaw muna yung kanin bago takpan,mamapanis kasi pag tinakpan agad na sobrang init.. Mamya ulit mga kaingay saing muna si inday Blessed morning Keep safe everyone
Dear ARAW(SUN) At ito na nga kung kailan ako nglaba saka naman wlang araw,kanina ngsasabon umaaraw ngayon na nasampay na nagtago na si araw,hayytts hindi ka talaga friendly sakin sa tuwing nglalaba ako nagtatago ka,paano ako makaktuyo ng sinampay niyan? Gandang hapon mga kaingay
Now watching the clash Sumakit na naman yung likod ko sa paglaba ko kanina kahit kunti lang nilabhan ko sumakit padin likod ko,haplas naman tayo efficasent nito para mawala wala ung sakit,dala narin siguro ng katandaan ito hehehehe. Kmusta naman kayo noise.cash friends?sana ay nakakaain na ang lahat Blessed evening to all
Maulan at malamig na umaga mga kaingay,simula kagabi umaambon na hanggang ngayon,buti at paunti unti lang ang ulan hindi nkatulo yung bubong,sarap padin matulog kasi malamig pero ang mata ko ayaw na matulog kay silip muna ako dito baka maya kunti antokin nadin
Almusal na tayo noise.cash friends,champion energen lang muna at tinapay mamya pag ngutom ulit kain naman tinapay o biscuit kailangan ko mgbawas kunti ng timbang at medyo napapabayaan na talaga sa kusina.
Done cooking Chicken adobo with patatas Madaliang luto yan habang tulog ang baby ko at pauwi narin yung amo ko para sa lunch break buti at natapos ko agad baka mayawyawan ako ng amo pag di pa luto hahahaha dahil sigaradong gutom na yun galing sa work.. Kayo mga kaingay nakaluto naba kayo Blessed sunday po sa lahat
Hayystt ngloloko na naman ang signal ng DITO ano ba naman wla man lang pasabi long may maintenance o ano ba,kung kailan gabi saka naman sia humihina na pagong kung gumapang hahahaha,kaasar nalang tuloy,pero no choice ito lang ang sim na pinakatipid sa net kaya kailangan nalang pagtigaan.
Nakakaawa naman yung kambal na kinadina ng tiyuhin tpos inabandona din sila ng tiyuhin,nakakadurog ng puso,nakakaiyak grabe sakit sa kalooban ang makakita ng ganyan nasaan na ang ina ng kambal na yun pinabayaan niya mga anak niya.. KMJS EPISODE
Goodnight mga kaingay at inaantok na talaga ako hindi na mgpapapigil ang mata ko at pipikit na talaga Bukas nalang ulit tambay ulit ako dito Goodnight
Magandang umaga mga kaingay.. Oras na ng pag luto pambaon ng amo ko medyo malayo kasi ang work niya ngayon kaya need mgbaon para makatipid nadin.Pasilip silpi muna ako dito kasi need ko din magtupi ng mga nilabhan ko noong isang araw para mawala na decoration dito sa loob ng bahay hahahahahaha..maya ulit mga kaingay see you. Keep safe Blessed morning
Hanggang ngayon madami padin ng sspam txt sakin,bahala kayo hindi niyo na ako maluluko,kahit pa mapuno ang spam msg ko hindi ko rereplyan,alam ko naman na scammer lang kayo ,palibhasa kasi malapit na pasko kaya sipag nila mang scam ayaw nalang magbanat ng buto para kumita ng marangal,ang tatamad ng mga scammer na yan sarap putulan ng daliri hahahahahaha Gigil niyo si aketch hahahha
Mas ok na yung ganitong panahon na umaambon lang para hindi gaano mainit dito sa loob ng bahay,pag sobrang init kasi mainit ang yero kaya sobrng init din dito sa loob wala pa kasi kisame bahay namin,tinatamad ako mag meryenda tiis tiis muna sa paglamon ng lamon para kahit paano mbawasanan ang timbang.
Good morning noise.cash,aga ko nagising 3:50am tpos kinuha ko cp ko sinilip ko ang marketcap.cash ngulat ako sa nakita ko bakit nagkaganito lahat ng token,sa sobrang takot ko imbes na tumubo na yung puhunan ko CLY kinuha ko na lahat at baka mawala pa hahahaha,buti nalng at mga bandang 4am bumalik na siya sa dati,nerbyosa talaga ako nadala kasi doon sa ngyari sa eros na token na bigla nalang nglaho
Pag marami ka iniisip andyan na yung na hindi ka nakaktulog ng maayos,sumasakit nalang ang ulo mo minsan naisipan ko mag take ng sleeping pill kaya lang sabi nila hindi daw maganda yun,na sstress talaga ako kakaisip sa mga bagay bagay,pero pingtataka ko bakit hindi ako pumapayat hahahahaha,bakit kaya??? Gandang gabi mga kaingay Ngayon lang ulit nkadalaw dito medyo busy lang kunti Kumain naba ang lahat? Keep safe po
Its a beautiful wednesday morning kaingay,kahit late nako nakatulog kagabi kakabantay sa tango swap hahahahaha maaga parin ako nagising,nakasanayan na kasi ng mata ko gumising ng maaga 4am gising nako nagising din baby ko buti at nakatulog ulit pero ako di na makatulog kaya eto at ng iingay nalang dito sa noise.cash,sige mga ka kaingay mamya ulit Keep safe always
Nagising na din ang baby ko kaya mamya nalang ulit ako tamabay dito aasikasuhin muna ang baby ko kasi mag aalburoto naman eto pag di napansin agad See you later mga kaingay Ingat po Godbless
Sa dami ba naman ng tutubuan ng pimples yung loob pa ng ilong hahaha pangit na nga yung ilong my pimples pa,ang sakit pa naman,samantalang balaki pa naman ang bakante sa mukha ko,sana s mukha nalang para malagyan ng gamot,naku pimples nga naman. Anyway,kamusta naman kayo kaingay?nakakin naba ang lahat?sa mga hindi pa kumain ay kain napo kayo at tanghali na huwag po magpapalipas ng gutom. #blessedaftie
Ano na kaya ganap sa read.cash?medyo matagal narin ako hindi nabisita doon pasilip silip lang ako doon,hindi pa ako mkapgsulat dahil na sstress ako hindi ako maka fucos,kailangan kasi pag ngsulat fucos para maganda ang kinalabasan,minsan dalawin ko din read.cash ko pag di nako gaano stress..
Nakalabas naman kami saglit,tambay sa labas chikahan with neighborhood,sandali lang din kami kasi nakatulog na ang baby ko at hapon narin mahamog na sa labas,maya kunti initin ko nalang ulam namin para makakain nadin hapunan wla din kami meryenda kanina kaya medyo gutoms na hahahaha.. Kayo mga kaingay kamusta ang araw niyo?
Noong nakaraang araw nkapg post ako dito tungkol sa spam messeges,tama nga at di ko kini click yung mga link kasi mga scammer daw yun,mag aalok daw work from home na malaki daw ang sahod tapos fake naman pala,naibalita na sa tv ngayon. Gandang gabi mga kaingay
Magandang umaga noise.cash friends,kamusta kayong lahat ngayon?thanks god for another day of life,lets enjoy and cherish every moment of the day. Champorado at energen champion ang almusal ko ngayon pass muna sa tinapay,nglako kasi yung kaibigan ko at inaalok ako champorado namiss ko din kaya bumili na ako.tara kain tayo kaingay.
Gustobko na sanang magpa bakuna kaya lang inaalala ko ng breastfeed pa ako,natatakot din ako na baka magkaroon ng reaksyon yung bakuna at lagnatin ako kawawa naman anak ko ayaw pa naman nito dumede sa bote kahit anong pilit at kahit gutom na sia ayaw niya talaga,maganda sana bakuna ngayon astra isa di yan sa gusto ko na bakuna. Kailangan ko din kasi mgpakuna lalo na umuuwi kami sa probinsya pagbakasyon.
Maraming thank you sa generous namin na kapitbahay ,bday daw kasi ng anak kasi nagulat ako kinatok pa ako binigyan ng pang meryenda,more blessing po sa inyo. Maswerte ako sa kapitbahay ko kahit pare parehas kaming baguhan lang dito hehehehehe.. Godbless Us all.
Gabi na naman bilis lang ng araw,ilang araw nalang matatapos na ang november at papasok na ang december,palapit na talaga ang pasko at unit unti narin nga babalik sa normal ang buhay natin at sana magtuloy tuloy na kahit matapos na election para umunlad naman kunti pamumuhay natin,grabe ang epekto ng pandemic bagsak lahat ng ekonomiya at daming nawalan ng trabaho,mas lalong humihap ang buhay.God heal our land Magandang gabi noise.cash friends Keep safe to all Godbless
At dahil mahina ang signal ko maaga ako mkatulog,tinatamad kasi ako mag hintay sa panay loading,kaya bukas nalang ulit ako mg iingay dito. Goodnight mga kaingay See yah tomorrow Sweet dreams po sa lahat
Gandang umaga noise.cash friends,kamusta kayong lahat?Ako ito nghahanda ng maglaba hahaha,kahit makulimlim dito samin na side kailangan ko maglaba dahil sa katamaran ko etong nakaraang araw natambakan tuloy ako ng labahan,buti at may washing medyo gagaan ang paglalaba,pinapatulog ko muna ang baby ko para makapag umpisa na sa mahaba habang labahan hehehehe. Almusal na tayo kaingay para may energy . #godbless #keepsafe
At eto na nga ang labahin ko apaw apaw na sa lalagyanan hehehehe,tinubuan ng katamaran kaya ayan ang resulta,ubos ang energy ko ngayon pagod ang inday nito mamaya,tambay muna ditonkay noise habang ngpapaikot ng washing.
Good morning noise.cash friends,kmusta kayong lahat?Thanks God for another day and blessings. Napawow ako sa early blessing,nkita ko siya sa isa sa sinalihan kong group sa fb kaya click ko at ayan nakuha ko,thank you sa napaka generous na ngpaulan nito sana ay pagpalain kapa ni lord at stay healty,hindi man kita kilala pero alam kong napakabuti ng puso mo thank you thank you so much.
Maulan na umaaraw,ang gulo ng panahon kasing gulo ng isip ko hahahhaha,sabi nila pag ganitong umuulan habang maaraw may kinakasal dw na tikbalang lols totoo kaya yun?Yun ang mga sinasabi ng matatanda dati hindi ko lang din alam kung totoo o hindi,di pa naman ako nakakakita ng tikbalang hahahahaha
Nakatpos nadin ako mgluto ng tanghalian,corned beef lang muna ulam namin at baka mkalimutan na naman yung mga ayuda na binigay baka abutan ng expiration hahahaha bihira lang din nmn kami mg de lata na ulam kaya ok lang din.Sakto lang din natapos ako pagluto nagising ang baby ko kaya ngayon nkabantay ako sa kanya habang naglalaro at sabay tambay narin dito sa noise.cash.
Pag ganitong maulan ulan nakakaantok,wala rin magawa hindi naman mkapag tupi kasi basa pa yung damit na nilabhan ko kahit nka dryier na basa padin kunti,magmumuni muni nalang muna habang tambay dito kay noise.cash,naka red alert naman mga token kaya wala rin,tamang basa basa muna dito na side.
Pwede na daw pla mga baby sa mall,pwede na mamasyal?maganda sana mamasyal ipasyal ko baby ko sa ammusement maaliw sia doon kasi marami siya makikita,kaya lang parang natatakot pa din ako kasi andyn parin yung virus daw,tpos nabalita pa sa tv kanina na meron naman daw bagong variant hayysttss ano ba naman sana mtunaw na yang mga virus nakaka stress lang tuloy pag iisip ko. #Gandanggabinoise cash
Mahina signal ko kaya mamya na kunti ako tambay dito idlip muna ako ulit para mapahinga ang mata bago maligo mamya,3am gising nako at nkababad na agad ako sa cp,need ipahinga ang mata bago maligo para di lumabo lalo hehehehhe Gandang umaga noise cash friends See you later..
Gandang gabi noise.cash,ngayon lang ulit nakasilip dito dahil busy ako sa ibang bagay hehehehe,kamusta naman kayo kaingay?sana ay nsa mabuti kaying lahat.Mag doble ingat po tayo dahil may bago na namn daw variant ng virus,dios ko po sana mawala na yang mga virus na yan para mapamuhay na tayo ng maayos at normal..
I would like to thank pla sa lahat po ng kanoise na ngbigay sakin ng tip alam niyo na kung sino sino kayo,thank you for your generousity may god bless you more and more.. Wala parin ako natanggap na notif regarding sa free tip but still hoping and waiting that one day may notif narin akong mataggap.
Thanks god for another day and blessings. Kada gising nating sa umaga huwag po natin kalimutan ang mgpasalamat sa dios sa isang mgandang buhay,kahit nasa pandemic pa tayo pino protektahan niya tayo at binibigyan ng malusog na pangangatawan, Gandang umaga noise.cash friends Happy monday
Holiday pala ngayon at vaccination. Pero dahil may work parin si hubby at medyo malayo work nila ngayon mgsasaing na pla ako kasi mgbabaon siya at mahal ang bilihin sa labas,nawala talaga sa isip ko kala ko holiday din sila ngayon hahahaha,madaliang kilos muna ako mga kaingay see you later
Yung sinampay kong ilang araw nadin nkasabit dyan sa wakas ay natuyo narin at matutupi ko na hahahaha,ngayon lang kasi gumanda ang sikat nga araw kaya ngayon lang din natuyo ng maayos,mgtutupi muna ako tpos tambay naman ulit dito,wala naman ibang gagawin,Yun ang kagandahan pag maliit lang ang bahay kuntiblang linisin kaya maaga mkatapos hehehehe..
Magandang hapon ka noise kakagising ko lang sinabayan ko si baby natulog para mamya ready na naman sa puyatan ahahahaha,inantok talaga ako kanina sobrang antok na yung di mo mapigilan,kaya tinulog ko nalang para iwas sakit sa ulo. Kayo mga kanoise kamusta kayong lahat ngayon? Ano na ganap hehehehe..
Kanina habang nanonood ako ng balita na high blood ako kasi ba naman may kompirmado ng kaso sa ibang bansa ng bagong virus dw pero ayaw parin mg close border ang pinas,ng close na nga ang japan at israel sa lahat ng international flights eh tpos dito sa pinas ayaw pa,hintayin pa talaga nilang makapasok dito tpos mglockdown na namn sila hayytss nahighblood ako bigla,walang kadala dala ang namumuno satin ngayon sana naging lesson sa knila ang ngyari noong nkapasok ang unang…
Magandang umaga kaingay,maaga ako naktulog kagabi ewan ko ba sobrang antok na talaga samantalang mghapon naman ako ntulog kahapon,habang ng cp ako kagbi pumipikit na yung mata ko kaya itinulog ko nalang kaya eto aga ng gising ko hehehehe. Nov.30 na pala ngayon,1st of dec na bukas malapit na ang pasko.
Kain tayo kaingay,ngayon lang ako nakakain kasi tinupak ng bongga yung anak ko ayaw magpalapag gusto nakakarga lang siya,pag nilapag umiiyak ng bongga din hahahaha,laban inahan kahit gutom much na kailangan paliban muna unahin ang anakis this our motherhood duty,kain muna ako mabilisan kaingay,mamya ulit
Hapon na naman oras na para lumabas saglit para mkalanghap fresh air kunti,ilabas ko din saglit ang baby ko para hindi tupakin ng aalburoto kasi pag di mkalabas kahit saglit lang Magandang hapon kanoise
Yung signal kong mas mabagal pa sa pagong,sige gapang pa,kung kailan naman tumagal saka naman ngloloko mas mganda kalang sa umpisa sobrang lakas pero ngayon halos umakyat nalang ako sa bubong para lang mgkasignal,yun ang problema dito sa pinas yung signal ng telcom natin grabe sa hina at bagal hayytss kaylan kaya maging maayon ang telco dito sa atin?
Nasa last month of the year na agad tayo,oh kay bilis nga naman talaga ng araw,dec.1 na tayo ngayon at malapit na pasko,sana dapuan ng swerte ngayong pasko para kahit paano mabawasan ang streas ni inday hahahahaha.Parang kailan lang nung ng new yr tpos ngayon malapit ulit mg new year. Gandang umaga kaingay