Ilan sa mga linya ng mga babae na hindi natin maintindihan at ang ibig sabihin nito.
• BAHALA KA - Ibig sabihin, Alam mo na nga na Ayaw niya at Hindi siya papayah tinatanong mo pa. • MAGANDA BA SIYA? - Ibig sabihin ng babae "MAS MAGANDA BA SIYA SAKIN?" Tinetesting ka lang niya. Dapat ang sagot mo sakaniya "MAS MAGANDA KA". • UUWI NA AKO - Ibig sabihin nun "IHATID MO AKO". • AALIS KA? - Maraming tanong ang kasama dun. "Saan ka pupunta?" , "Anong oras ka uuwi?", "Ano ang gagawin mo dun?" at ang Pinakamalupit na tanong sa lahat. "SINO ANG KASAMA MO?". • SIGE DUN KA NA SA KANILA - Meaning "Huwag ka ng umalis, dito ka lang". • ISA PA - Ibig sabihin Tama na, tumigil ka na. • AKO NA ANG MAGBABAYAD - Meaning, Makipagunahan ka na sakanyang magbayad. • Pag nag-Aaway kayo at sinabihan ka ng "EWAN KO SAYO", Isipin mong mabuti kung may nagawa ka ba or kung may kasalanan ka. • AYOKO NA/AYOKO NA NGA - Pero ang ibig sabihin talaga nito ay "GUSTO KO PA". Sadyang kay hirap intindihin naming mga babae, pero sabi nga nila mahirap man kami/tayong intindihin Maganda paring tingnan. 😍
7 comments
tama hehehe tayo kasing mga babae may pag ka topakin kabaliktaran lahat ang sagot😂
haha oo nga po.. at napakahirap intindihin hahaha
hahahaha
Yup tama. Maswerte tayo kung makakatagpo ka ng iintindi sayo
haha oo sis truelalu.
ba't po ganun?
hahaha hindi ko rin po alam e. pero karamihan talaga po ganyan