read.cash Log in
@katxxv more from that month

Kahit saglit

May mga taong makikilala natin ng hindi natin inaasahan, mayroong tumatagal at mayroon namang panandalian lamang. Pero hindi lahat dun ay nananatili sa atin. Mayroon sakanila dumadaan lang o pinadaan lang.. Binibigyan tayo ng mga aral sa buhay natin. May panahon na akala natin siya na talaga, yung tipong halos buong buhay mo kaya mong ibigay sakanya at tanging sakanya lang, pero yun pala ipinahiram lang siya sayo saglit. Pinadaan lang pala siya, para turuan ka hindi para saktan ka kundi para mas patatagin ka lalo na sa mga pagsubok na dumating, dumadating at darating pa sayo. Kahit papaano naging bahagi siya ng buhay mo kahit saglit, at yung saglit na yun pang habang buhay ng mananatili sayo, hindi man manatiling kasama mo pero sa puso mo. Kahit bilang kaibigan, kakilala o ano pa man. Naging bahagi siya ng buhay mo panandalian, hindi para saktan ka kundi para turuan kang maging malakas at matatag at para iparating sayo na habang buhay may pag-asa basta magtiwala ka lang sakaniya ☝☝🙏🙏 Walang imposible, hindi man kayo para sa isa't isa o pinagtagpo man kayo ngunit hindi itinadhana, lagi mong iisipin na mayroong dahilan at mayroon pang ipagkakaloob saiyo na mas better yung talagang para sayo ng pang habang buhay at hindi yung panandalian lamang. #KeepTheFaith

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.