Paasa

9 10
Avatar for kat2x
Written by
3 years ago

Ang iyong pagsuyo ilang taon ding tumagal

Sa poong may kapal aking dinadasal

Sa iyong pananalita ako'y tuluyang naniwala

Pagmamahal mong tunay sa mata makikita

Kay saya ng damdamin, kay sarap na isipin

Ang umibig nang muli'y hindi ko inakala

Sa isip ko'y ikaw na nga

Ang magsasagip nitong pusong minsan nang nasawi

Ang hihila sa akin upang makabangon muli

Lumipas ang kahapon, nag-iba ang panahon

Dumilim ang kalangitan, ako'y iyong iniwan

Kamay ko'y iyong binitawan sa gitna ng kadiliman

Hinanap kita upang sagipin

Mula sa matinding pagsubok natin

Sa gitna ng ulan, ika'y natagpuan

Iba ang iyong kapiling at kayakap

Puso ko'y parang sinaksak ng ilang ulit

Sa sobrang pait at sakit

Nawala lang ako saglit, sa iba ka kumapit.

"Nandito ako!" Aking sigaw

Ngunit sa kanya tila ayaw mo nang bumitaw

Ako'y muling nalugmok sa kalungkutan

Nang iwan mong tuluyan.

Tila ba ako'y napaglaruan

Ng tadhanang mapanlinlang...

At ngayon ay bumabangon

Sa pagkadapa mula sa mga hamon

Tatayo ako mag-isa,Na may pag-asa sa mga mata

Kailanma'y di na aasa, sa magagandang salita nila..

Wala lang... nainspire lang ako sa mga tula ni @siopao πŸ˜‚. Di ko ma let-go ang notebook ko nuon buti na lang may Readcash pwede gawing notebook ng kahit ano. Haha!πŸ˜…

Pero itong tula na to ay inaalay ko sa aking kaibigan na naiwan..hehehe.! ✌️✌️Minsan kailangan din nating gumawa ng mga salita na pwede silang makarelate. Para din sa mga mabilis umasa.. magsilbi sanang aral na minsan may scam din sa pag-ibig... πŸ˜…πŸ˜œπŸ˜˜

4
$ 0.03
$ 0.03 from @TheRandomRewarder
Sponsors of kat2x
empty
empty
empty

Comments