read.cash Log in
@kat2x more from that month

Tulongan o Gamitan?

Nayaya ka na ba sa isang networking? O kahit anong programang nagrerequire ng invite? Pumayag ka naman. Dahil sa mga pangakong magtutulungan kayo? Dahil kapag wala ka daw maipasok na invite lalagyan ka nila ng downline? May iba diyan magsisinungaling para makakuha lang kasi napasubo na rin. Maiba ako. Parang pansin ko rin yan dito. May iba dyan aayain ka sumali sa kanila bibigyan ka ng task na ganito ganyan. Akala mo tinutulongan ka o nilalike nila kapag shinare mo mga gawa mo sa kanila. Hindi pala. Haha! Pagpasok mo mangangapa ka pa. Hindi alam gagawin kasi hindi kana pinapansin. Magtanong ka nalang sa hangin baka sakali ka pang sagutin. Habang ikaw subscribe at todo sunod sa task na binibigay. Like dyan comment dito. Grupo daw kayo, tulongan daw kayo pero hindi nila pansin activities mo. Dami nila points, eh yung sa'yo? Kaya ako diskarte na lang.. Sana hindi ka ganoon kung may inaya kang sumali dito. 😊✌️✌️✌️

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.